Kabanata 49

464 17 3
                                    


AVERY MASON

"Just die! Everyone hates you!"

Hingal na hingal akong napaupo sa pagkakahig. Ano na naman iyom? Panaginip ba o parte rin ng nakaraan ko?

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Lately, nagiiba na ang pakiramdam ko. Lagi nalang akong pagod at maya maya ay makakatulog kahit saan. Pagkagising ko nasa ibang lugar na'ko. Hindi ko pa nasasabi ito kay Lola Mercy. Siguro ito na 'yun. Nag uumpisa ng umaksyon ang masamang espiritong gustong sumanib sakin. Sampung araw, nalang ang natitira bago ang Ikaunang anibersaryo ng pagkamatay ko at sa sampung araw na natitira sakin. Unti-unti na akong nawawalan ng pag asa na makaakyat sa langit.

Hahayaan ko na bang matapos ang lahat ng ito ng hindi nalalaman ang dahilan ng misyon ko?

Umuulan, gaya ng pumapatak na luha sa aking pisngi ay siya ring pag sabay ng ulan. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

 Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid na ngayo'y nababasa na dahil sa ulan. Nandito nabnaman ako sa itaas ng building na ito. Tuwing ididilat ko ang mga mata ko sa tuwing magigising na ako. Lagi akong napupunta dito.

Hindi kaya ang masamang espirito ang nagdadala sakin dito o hindi kaya ay ang mga sariling paa ko ang nagdadala sa lugar na ito?

Kung ako nga, ano ang dahilan kung bakit lagi ako nandito?

That GhostWhere stories live. Discover now