Travis

639 19 0
                                    

Napailing ako ng makita si Kuya at Allie na masayang naghahabulan na para bang walang tao ang nasa paligid nila.

"Tyler naman! Bigay mo na sakin 'yan!" sigaw ni Allie habang hinahabol si Kuya.

Kuya is very lucky to meet a sweet and innocent girl like Allie. Bakit ba hindi ko alam na nagustuhan niya ako dati? Is it because I was busy with Avery.

Napabuntong hininga ako ng maalala si Avery. It's her first death anniversary at sariwa pa sa aking isipan kung ano ba talaga ang nangyari sakanya. I want to blame myself for not being there to help and protect her. Iniisip ko paano kung nandoon ako. Buhay kaya siya ngayon? I am so mad at Kareen wala siyang konsensya.

Nagulat ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko sa gitna ng pagiisip ko.

"Oh, bakit ganyan mukha mo? Nagseselos ka ba?" natawa ako sa biro nito.

"You look happy huh."

Ngumiti ito at tinignan si Allie na inaayos ang mga gamit. "Of course, dapat nga akong magpasalamat sayo at nagparaya ka." sarkastiko nitong utas ngunit kalaunan ay natawa na rin gaya ko.

"Wala rin naman ako laban." ngumisi ako ng nakakaloko.

"Buti alam mo." humalakhak siya at tumayo na at tinapik ang aking balikat. "Got'ta go, May dapat pa kaming asikasuhin ni Allie."

I guess, Ito na talaga ang papel ko. Ang maging extra sa relasyon ng iba. Pero hindi ako nagsisisi na nagustuhan ko si Avery. Avery will always be place in my heart. She's special to me. My first love and my first heartbreak.

Tumayo na ako at pinagpagan ang aking pantalon. Naglakad ako papuntang sa railings kung saan makikita ang kabuuan ng eskwelahan sa ibaba. Huminga akong malalim at ipinikit ang mata. Nagdasal para kay Avery. I hope you find your peace now Avery.

"Goodbye, Avery." nakangiti kong bulong sa sarili at sa pag bigkas ko ng mga salitang iyon ay siya ring pag salita ng isang boses ng babae.

Minulat ko ang mata at nilingunan ang nagsalita. Venice, friend of Allie and Avery.

Tumingin ito sakin at ngumiti hindi ko alam pero ng mahawakan nito ng hindi sinsadya ang kamay ko ay parang may dumaloy na milyon- milyong botalheng kuryente sa buong katawan ko. I found mine.

That Ghostحيث تعيش القصص. اكتشف الآن