Kabanata 22

592 22 0
                                    


It's been two days since a little memory flashed through my mind at matapos ang araw na'yun ay napagpasyahan ko ng ikuwento lahat kay Lola Mercy ang nangyari.

Ang mga kinuwento saakin ni Venice at ang konting alaala na naalala ko.

And come to think of it, if I'm holding a grudge then I guess it is Cleo's. Siya ang dahilan kung bakit may pinanghahawakan akong hinanakit. Pero mayroon namang isang parte ng isip ko na nagsasabing hindi siya ito. Then who Avery? Yung pusa ni lola Mercy? Tsk.

Pero kitang-kita naman sa konting naalala ko ang ginawa niya saakin. Wala naman sigurong hindi magagalit sa ginawa niya diba?

At bakit kailangan ko pa siyang ipagtanggol?

Tumayo na ako at pinunasan ang lamesang natapunan ko ng juice. Nilingunan ko si Tyler na tahimik na nagmamasid sa bawat galaw ko tumikhim ako kaya napaiwas ito ng tingin at kunwari'y may kinakalikot sa bag. Nangisi nalang ako.

Tyler Vergara, siya ang lalaking umakbay saakin noon and ngayon ko lang narealize na gusto pala nito si Allie pero si Allie ay hindi niya ito pinapansin. Wala lang natuklasan ko lang na may pagtingin ito kay Allie pero si Allie ay halata namang manhater? Am I right I guess?

"Mauuna na ako." pagpapaalam ko sabay hablot sa bag ko na katabi ko.

Magsasalita pa sana ito pero inununahan ko na siya. "Huwag mo na akong hintayin mamaya kayo nalang ni Venice ang maunang umuwi."

These past two days kasi ay nakilala ko siya ng lubusan, una ay hindi pa rin ito kumportable at hindi parin makapaniwala sa inaasal ko pero nasanay narin naman siya at lagi niya kaming hinahatid ni Venice pauwi.

At ngayon, hindi ko parin nakikita si Cleo, simula ng kausapin niya ako sa coffee shop ay hindi ko na muling makita siya. ano kayang nangya--

But why am I thinking him? Remember Avery sinaktan ka niya kaya wag kang magtanga-tangahan.

Napailing ako dahil sa pagde'debate ng isip at puso ko.

"Penny for your thoughts?" hindi ko kailangan ng *censored* mo sa iniisip k- napatigil naman ako.

What did I just think?

Tinignan ko ang lalaking nagsalita pero ng makita ko ng kabuuan ang kanyang mukha ay bigla akong napangiwi.

Why Avery are you expecting someone?

"No thanks." binilisan ko ang paglalakad ko pero napapikit naman ako ng sundan ako nito.

Isa rin ito sa nakahithit eh no?

"Lunch?" nakangiti nitong yaya sa akin tumigil ako at tinignan siya.

"Kumain na ako." muli kong pinagpatuloy ang paglalakad ko at napairap nalang sa ere.

Marami talagang nangyari sa loob ng dalawang araw, even Travis ay nag mukha lalong adik kakabuntot sakin. Hays feeling ko tuloy isang linggo ang dalawang araw na 'yun sa sobrang daming nangyari.

That GhostМесто, где живут истории. Откройте их для себя