Kabanata 55

471 15 0
                                    


AVERY MASON

Nagulat ako sa narinig. Wait, what? Tama ba itong narinig ko?

"Ako, I mean kami ni Allieson iyong kakambal ko, ang mas matanda sa'yo ng isang taon. It was happened 18 years ago, mag kasintahan ang Tatay mo at ang Nanay ko noon. Pero dahil sa Lola mo ay pinaghiwalay silang dalawa at pinakasal sa Nanay mo. Hindi alam ng Tatay mo na sa mga oras na'yun ay nabuntis niya si Mama ko." bumuntomg hininga ito at napayuko.

"Hanggang sa hindi na sila nag kita pa ni Mama. Nag karoon na ng sariling pamilya ang tatay mo which is kayo ng nanay mo habang ang nanay ko naman ay mag isang tinataguyod kaming dalawa ng kakambal ko. That was the reason why I left the house. Kung bakit nag sarili ako dahil nagalit ako sa nanay ko ng pinaniwala niya akong patay na ang tatay ko."

Isang patak ng luha ang muling dumaloy sa aking pisngi. Sa mga oras na ito ay parang kinurot ang puso ko sa narinig.

"I'm sorry, kung ng dahil sa amin ng nanay ko ay nawalan ka ng tatay." umiling ito at hinawakan ako sa kamay.

"Hindi ka dapat humihingi ng tawad dahil hindi mo naman alam iyon. Wala tayong kasalanan sa nangyari. Siguro iyon talaga ang dinesisyon ng tadhana sakanila."

Hindi ko alam na kaya pala galit siya sa nanay niya ay dahil pinaniwala niyang patay na ang tatay nila which is my Dad.

That Ghostحيث تعيش القصص. اكتشف الآن