Kabanata 10

628 27 0
                                    

Nasaan na ba siya? Ugh! Mababaliw na talaga ako dito kakahanap doon sa lalaking iyon hah.

"Huy Allie!" napalingon naman ako sa likod ko ng marinig ko ang pangalan ng babaeng ito.

Si Venice, at halos lakihan ko na ang butas ng ilong ko sa inis dahil sa biglaang pagsulpot nito. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Tapos na ang lunch, tara na saan ka pa pupunta?" kinaladkad naman ako nito kaya napakamot ako sa ulo ko.

Panira talaga itong babaeng ito sa mga plano ko. Nakakairita na siya ah.

"Teka, teka!" huminto naman ito at tinaasan ako ng kilay.

Kailangan kong mag excuse sakanya para mahanap ko na si Travis! Hinawakan ko naman ang tyan ko at kunwaring nasasaktang tinitignan siya. "M-masakit ang tyan ko, I think I need to go home." pagdadahilan ko.

Kumunot naman ang noo nito at tinignan akong mabuti kaya napalunok ako. "Masakit ba talaga tyan mo?" palihim akong napangiwi at mas ginalingan pa ang pag-acting.

Mahulog ka sa bitag kong babae ka! Dahil wala aking choice kung hindi ang sakalin ka hanggang sa malagutan ka ng buhay.

"O-ouch! Masama talaga ang nakain ko kanina." napabuntong hininga naman ito at dahan-dahan na akong binitawan kaya palihim akong napangisi.

Okay, tama iyan girl. Hindi ka mamatay sa kamay ko. Pero syempre joke lang baka mamaya ay mas lalong hindi ako makaakyat sa langit sa ginawa ko like duh.

"O-kay? Sasabihin ko nalang." medyo nagaalangan pa ito pero wala na siyang nagawa kundi ang umalis.

Ang galing mo talaga Avery! pwede ka na maging artista sa taas!

"Kainis nasaan na ba iyong lalaking 'yun?" nafufrustrate na ako dito. Halos sampong minuto na ako naghahanap pero hindi ko parin siya makita dahil ang lawak school na'to! Omo I'm so tired!

Dahil sa sobrang pagod ko at isama mo pang nagugutom at masakit na ang paa ko ay umupo muna ako sa gilid dito sa may corridor. Walang estudyante ang pumupunta dito dahil meron na silang pasok atsaka mga bakanteng classroom lang ang nandito kaya walang katao-tao. Ewan ko ba kung bakit ako napunta rito!

Binuksan ko ang bottled water na kinuha ko sa Vending machine. Bukas ko nalang siya hahanapin dahil pagod na ako at para na rin makadukot ako ng pera di- teka, anong kabobohan nanaman ang naisip ko?!

Pero sabagay, sandamakmak naman ang kapal ng pera niya dito. Hindi naman niya mahahalata kung dudukot ako ng kalahati dito diba?

Napailing ako. Aist! Konsensya ko nalang 'yun! Siguro kailangan ko ng maghanap ng trabaho pang part time lang. Wait, meron bang trabaho ang babaeng 'to? Baka mamaya mafired siya ng dahil sa akin kung meron man!

Bigla naman akong napatayo ng may narinig akong kaluskos sa isang kwartong malapit saakin.


"Who's there?" don't tell me there's a ghost!? Oh noes I'm scar- napasapo ako ng noo.

Nag aadik ka ba Avery? Isa kang multo.

Napaatras naman ako ng may biglang umungol na lalaki. Wait, meron bang gumagawa ng karumaldumal? Omg!

Humakbang ako ng kaunti at tinignan ang bintana kung saan gumagawa ang ingay.


Mukhang wala namang tao. Tatalikod na sana ako para umalis na pero laking gulat ko ng makita ko yung Travis na nakahawak sa braso habang tumatayo.

"Ay Gago!" nakahawak pa ako sa dibdib ko ng makita niya 'ko.

Ngumiwi ito at mabilis na lumabas ng kwartong iyon. Magpapatuloy na sana ito sa paglalakad pero bigla kong hinawakan ang braso niya dahilan para kunutan ako nito ng noo.

"Anong problema mo?" medyo iritado nitong tanong kaya napairap ako sa ere at kahit na labag sa kalooban ko ang ibigay sakanya ang wallet niya ay binigay ko pa rin.

Goodbye, wala manlang akong nakuhang souvenir.

Bigla ako nitong tinignan at mabilis na kinuha ang wallet saakin. "Don't worry, wala akong kinuha dyan. Nahulog mo 'yan kaya hinanap kita." inirapan ko ulit ito.

Halos napatigil pa ako ng ngumiti ito ng tipid.

"Thanks." aalis na sana ito pero bigla ko siyang hinila.

Ngayon naman ay kita rito ang pagkabanas kaya napabuga ako ng hininga. "I have a question."

Pumikit ito ng mariin at pilit na kinakalma ang kanyang sarili. "What?" nginiwian ko siya.

Nako, tignan mo ang asal nitong lalaki na'to! Pasalamat nga siya binigay ko pa sakanya ang wallet niya.

"Sino yung babae na nasa wallet mo?"

Tinignan ako nito na parang nagulat pa sa sinabi ko pero maya maya lang ay nakita ko ang sakit at lungkot sa kanyang mata na mas lalo kong ikinataka.

That GhostWhere stories live. Discover now