Kabanata 32

488 22 0
                                    

Nang maialis ko na ang helmet sa ulo ko ay napalingon ako sakanya at agad napaiwas ng mapansing nakatingin din pala ito sa akin.

Shit! That was so awkward.

Tumikhim ako at nagiwas ng tingin hanang inaayos ang nagulong buhok.

"Thank you sa paghatid sa'kin." tumila na ang ulan pero basang basa parin ang suot kong uniporme at bag.

Tumango ito kaya papasok na sana ako sa loob ng bigla niyang hawakan ang aking braso tinignan ko ito at kinunutan ng noo.

"May sasabihin ka ba?" nag buntong-hininga ito at nagulat ako ng hinawakan nito ang mangas ng uniporme ko. Omg, ito nanaman ang puso ko.

"Magpalit ka na kaagad bago ka pa lagnatin." ani to sa namamaos niyang boses. Shit! Bakit ang hot niya sa part na iyon? Wait, what the hell again Avery?


Hindi ko mahanap ang mga salita dahil sa ginawa niyang nakakapanindig balahibo.


Sinuot na nito ang kanyang helmet pero bago pa niya paandarin ang motor ay napatingin ito sa akin. Tinging hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

"Goodnight, Avery"

Sa dalawang salitang binitawan niya ay para bang tumigil ang pagtakbo ng oras at paligid napunta ako sa isang senaryo, isang malabong imahe ng lalaki na siya ring nag banggit ng pangalan ko. Bigla akong napahawak sa puso ko ng maramdaman ko ang lakas ng tibok nito.

Ano ang ibig sabihin nito? Ano bang dapat kong maramdaman?



That GhostWhere stories live. Discover now