Kabanata 62

512 17 0
                                    

Tanging iyak at pag wawala lang ang narinig ng dalaga ng makita ang bawat pagbaba-taas ng defibrillator na ginagawa ng Doctor kay Allie. Ngunit platado parin ang pulang linya ang nakikita at naririnig.

Napapikit si Avery sa nakita. Lumingon siya sa magulang at kaibigan ni Allie. Ang kanyang nanay na patuloy parin sa pag iyak at pag sigaw na gumising ang kanyang anak. Si Allieson na tahimik na umiiyak sa gilid habang inaawat ang kanyang ina. Si Venice na nakahawak sa braso ni Tyler at mukhang maiiyak na sa kalagayan ni Allie habang si Tyler naman ay makikita ang lungkot at sakit sakanyang mata at pumipikit sa bawat paglapad ng defibrillator sa dibdib ni Allie.

Maya maya lang ay tumigil na ang Doktor sa kanyang ginagawa at umiling na tinignan ang nanay ni Allie. Dahil doon ay napaiyak na si Avery, Tyler at Venice habang ang nanay ni Allie ay pilit na pinagsasabihan ang Doktor na buhayin ito.

"Hindi! Anak ko! Doc! Hindi ba sabi mo successful naman ang naging operasyon sakanya?! Gisingin mo pa siya! Hindi niya pa ako nakakahingi ng sorry sakanya." lumuhod ang nanay nito at humagulgol.

Nagsimula naring ilagay ng nurse ang kumot sa mukha ni Allie ngunit maski ang kambal ni Allie na si Allieson ay nagwawala narin at pilit inaalis ang kumot sa mukha ng kambal.

"Time of death, 1:31 pm." tinignan ng doktor ang kanyang orasan habang ang isang nurse naman ay nililista ito.

"Allie! w-wag ka ngang magloko dyan! Nandito na'ko oh! Nakita mo hindi na kita aawayin so... Please g-gumising kana." napayuko si Avery at tahimik na lumabas ng emergency room.

Ngunit sa paglabas niya ay doon rumehistro ang gulat sa kanyang mukha sa nakita...

That GhostWhere stories live. Discover now