Kabanata 16

627 28 0
                                    


Halos manlaki ang butas ng ilong ko sa kaba at pilit na tumawa kahit na kinalabasan nito ay mukhang natatae.

Kingina, ano ie-explain ko sa babaeng ito?

"Ano bang pinagsasabi mo? I was just curious about myse- No! I-I mean Avery. Masama ba?" what the heck? Muntikan na iyon Avery!

Tinignan ako nitong mabuti animo'y parang sinaniban kung sino. Well totoo naman ah! Tsk.

"Nako Allie, ikaw sabihin mo nga sa akin? Ikaw ba talaga iyan at buti niyayaya mo rin akong magbonding well that's not you!" napakurap ako.

Kingina! Ano ba kasing ugali nitong Allie na ito? Nakakasira siya plano ko eh.

"M-masama na bang magbago?" tumawa akong pagak at  biglang nawala ang pagkakunot ng noo nito at tumingin sa itaas. Napahinga naman ako ng maluwag ng tumingin ito at ngumiti sa akin.

"Well to be honest, hindi ako komportable sa kinikilos mo ngayon. But that's a good thing anyway! ." kumindat pa si kaya napangiti ako ng hilaw.

Hinila ako nito sa isang boutique kaya napahinga ako ng maluwag.

"So back to your question." tinignan ko si Venice ng bigla itong lumingon sa akin kahit patuloy parin siya sa pagkalkal ng mga damit. Muli kong binalik ang ginagawa ko at hinintay siyang magsalita.

Nakailang shop na kami ng napuntahan, marami na akong nabiling damit at mga gamit sa bahay dahil kulang-kulang ang mga gamit nitong babaeng ito sa bahay niya. Well quits na kami! Dahil kinuha ko ang katawan niya kailangan ko siyang bayaran sa pamamagitan nito.

"Si Avery ay maldita at matabil ang bunganga n'un pero kahit ganoon siya ay marami pa rin ang nagmamahal sakanya because of her kindness." seryoso nitong saad at sumilay ang ngiti nito kaya napatigil ako sa pamimili ng damit at tinignan siya.

Napansin kong namumula na ang kanyang mga mata at hindi maiwasang kumurot ang puso ko sa nakita.

"She's my friend back then, pero ng lumipat ako ng section ay hindi na kami gaanong nag uusap. Pero kahit na maraming humahanga sakanya ay nagagawa parin niya akong batiin tuwing nagkakasalubungan kami sa hallway at hindi niya kinakalimutan ang birthday ko." nakita ko namang pinahid nito ang kanyang luha na hindi niya namamalayang tumulo na pala.

Kumurap ako ng ilang beses at pinigalng wag ring lumuha. So, she's my friend. Kaya pala kapag nakikita ko siya ay gumagaan ang pakiramdam ko at sumasaya.

Palit siyang ngumiti at tinignan ako. "Can I tell you something more about her? Gusto ko kasing ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko." tumango ako kaya naghanap kami ng restaurant para magkakwentuhan at makakain narin.

Hindi ko maiwasang sulyapan siya at mapabuntong hininga. 

Nang makapag-order na kami ng sarili naming pagkain ay doon na siyang nagsimulang magkwento.

"Since we where elementary magkaibigan na kami. Nang tumungtong kami ng first year high school ay doon nadiscover ang talino at kagandahan niya dahil doon nakilala niya si Cleo." bigla akong napanganga.

Wait, what? Bakit nabanggit si gago dito?

"Naging close friend sila, hindi kk nga expect 'yun dahil si Cleo ay malamig makitungo sa ibang tao. But when she met Avery doon siya nagbago." napasinghap ako.

Pero sino si Leo sa diary ko? Wait, don't tell me... Si Leo si Cleo? Kingina! Pinatulan ko siya?

"Months had passed pero kahit na naging sila ni Cleo ay hindi parin nagbabago ang pagkikitungo niya sa akin, second year naman nung nagkahiwalay kami dahil nalipat ako sa ibang section at saksi ako sa relasyon nilang dalawa sila nga ang binansagang cute couple ng campus, I even remember na lumaban sila ng Mr. and Ms. School 2014 sa halos twenty'ng contestant galing sa iba't ibang school ay sila ang nanalo" natawa ito at napailing na animo'y parang may naalala.

Anak tokwa! Talagang pinatulan ko si Cleo? Aba! hindi ata talaga ako 'yan! kaya siguro wala akong maalala ni isang memorya dahil hindi ako 'yun. Hmp!

"At noong mag third year na tayo,  that was the time na sumingit ang dalawa, si Kareen and Travis. Nang magtransfer si Travis ay doon na naging seloso si Cleo habang si Kareen naman ay nilalandi si Cleo." kita ko naman sa mukha nito ang pagkairita pagbinabangit niya ang pangalang 'Kareen'.

Kareen, hindi ba siya ang queen bee ngayon? Nakita ko kasi sa facebook eh may fanpage siya at dati na akong naging queen bee. Bakit parang ang childish naman noon may paganun pa? tsk.

Marinig at makita ko lang ang pangalng Kareen ay biglang kumukulo ang dugo ko sa hindi malamang dahilan.

"Madalas ay nagaaway na sila sa maliit na bagay at umaabot ng isang linggo bago sila magbati." bumuntong hininga siya.

Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang itutuloy niya. "Noong araw na ng kanilang 2nd anniversary ay imbes na magcelebrate sila ay nag away sila hindi lang basta simpleng away kundi matindi, nalaman ko ang lahat ng ito dahil lumapit siya saakin para ikuwento ito." bigla namang tumulo ang luha niya kaya napaiyak narin ako.

Bakit parang ang saklap naman ata ng nangyari sa akin?

"Sinabihan siya lahat ng masasakit na salita ni Cleo, 'yun ang araw na napagdesisyon ni Cleo na hiwalayan siya and that was also the day Avery... A-avery committed suicide. "

That GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora