Kabanata 12

652 23 0
                                    

"Kingina naman! Paano ko makukuha yung notebook?" ngumiwi ako at muli siyang sinilip 'di kalayuan.

Nandito ulit siya sa library at tahimik na binabasa nito ang notebook na balak kong kunin. Ngunit mukhang hindi ko ata makukuha dahil hawak niya. Mag aalas-sais na ng gabi pero hindi parin ito umuuwi gaya ko

Humikab ako at pumikit-pikit pa. Kailangan kong pigilan ang antok ko dahil kung hindi walang mangyayari sa paghihintay ko.

Dito ako nakatago sa may mga bookshelves malapit sa pinto. Sumisilip lang ako sa butas kaya hindi niya ako napapansin.

Maghihintay pa ako ng limang minuto, kung hindi pa siya aalis rito ay iiwanan ko na siya at ipagpapatuloy na lang ulit bukas. Dahil gusto ko ng matulog!

Makalipas ang limang minuto pero wala parin talaga itong balak umalis kaya sa sobrang inis ko ay napawalk out nalang.

Napahinto ako ng ipihit ko ang door knob pero hindi ito bumukas.

Teka, bakit ayaw bumukas nung pinto? kinalikot ko ulit ito pero ayaw talaga. Kingina don't tell me...

"Anong ginagawa mo dito?" napasigaw naman ako sa gulat ng bigla kong marinig magsalita si Cleo sa likod ko.

Yeah, Cleo. Narinig ko sa isa sa mga estudyanteng babae nagkukumpulan kanina sa dito sa library habang sinusubaybayan ko siya. Tangina famous pala itong gagong ito eh.

Pero Cleo, bakit parang pang babae pangalan niya? Anyway, hindi naman pamilyar sa akin ang pangalan niya. Pero ang notebook na hawak niya ang kutob kong maaaring magkaroon ng clue sa akin!

"The hell!" kinunutan lang ako nito ng noo kaya napabuga ako ng hininga.

"Bakit ikaw lang ba pwede sa library?" Totoo naman eh! Kahit naman sabihin nating sinusubaybayan ko siya ay totoo naman ang sinabi ko like duh.

Aba! baka mamaya iniisip niya isa akong sasaeng fan niya. Ugok niya, 'di naman siya koreano para pagaksayangan ko ng oras- well ang notebook ang pinagaaksayahan ko.

inarapan ko siya at muling binalingan ang pinto kinatok ko ito. "May tao pa ba dyan?! Meron pa pong mul- este tao dito!" muli kong kinalabog ang pinto ngunit ni isa ay walang sumagot tanging kuliglig lang ng insekto ang naririnig ko.

Halos manlaki na ang butas ng ilong ko sa inis. Kairita napaka worst day ng araw na ito ah.

"Kung minamalas ka nga naman oh." tinignan ko si Cleo at nginiwian.

Napasuklay nalang ako ng buhok sa inis at nilingunan muli ito pero halos matameme ako ng maabutan ko ang tingin nitong nakakaakit- este weird sa akin.

"Stop staring, you look creepy." ngiwi ko.

Umangat ang sulok ng labi nito at tumalikod at muling umupo sa kanyang pwesto kanina.

"Wala ka lang bang gagawin? Nalock tayo oh!"

Napakacommon naman nitong scene na'to. Okay na sana eh, kung hindi lang itong lalaking ito ang kasama.

"Satingin mo may magagawa pa ako?" inirapan ako nito kaya napanganga ako.

Kingina. Nag aadik ba 'to?

Napakamot naman ako sa ulo ko at marahas na umupo sa gilid. Kainis! kailangan ko pa naman din puntahan si Lola Mercy para magtanong atsaka... manghingi ulit ng pera napagastos ulit kasi ako kanina dahil sa adik na lalaking ito! Kung hindi ko sana siya hinintay at sinundan edi sana hindi na ako bumili ng maraming pagkain at nakatipid pa ako.

Buti nalang at marami akong nakain kaya hindi ako gutom ngayon. Tutal bukas ng umaga pa ako makakaalis rito sa library'ng ito ay maghahanap na akong pwesto ko. Wala na rin siguro akong magagawa kung magsisigaw pa akong palabasin kami dahil wala na ring tao tsk.

Nilapitan ko siya at nakita kong hawak-hawak pa rin niya ang notebook at tahimik itong binabasa. Ngayon ko lang napansin na nakapatay na ang mga ilaw at tanging lamp shade nalang ng lamesang inuupuan niya ang bukas kaya hindi naman ganoon kadilim dito.

"Napansin ko kanina mo pa hawak 'yan." tinignan niya ako pero muli niyang binalik ang tingin sa notebook kaya napabuga ako ng hininga.

Kingina mahulog ka sa bitag ko.

"Napakasarap mong kausap." suminghap ako habang dinudugtong ang bawat upuan para makahiga ako.

Mabibingi na ata ako sa katahimikan wala talaga siyang balak magsalita. Napakawalang kwenta niya talaga.

Ilang oras pa ang lumipas pero hindi ako makatulog. Tnignan ko siya sa gilid ko at napansin kong tulog na siya kaya bigla akong napaupo. Tama! Yung notebook!

Unti-unti akong tumayo at talagang sinuguradong hindi siya magigising. napahinga naman ako ng maluwag ng makita kong hindi niya hawak ang notebook at nakalagay ito sa lamesa.

Mabilis ko 'tong kinuha at muling bumalik sa pwesto ko at umupo.

Dahil sa liwanag ng lampshade ng lamesa ay nabasa ko ang pangalang nasa harap ng itim na notebooo.

Avery Mason's Diary

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng mabasa ko ang pangalan ko. It's my diary. Buti nalang at pinush kong alamin itong notebook na ito dahil akin pala ito!

Mabilis ko itong binuksan at nilipat lipat hanggang sa mapunta ako sa huling likod ng pahina ng notebook. doon unti-unti nagkaroon ng maraming katanungan ang aking isip ng mabasa ko ang nasa gilid nito...

1/1/15

I wanted so much to talked to him but he's mad. I wish I could wake up from this nightmare.

CKA, 29

-Av

That GhostWhere stories live. Discover now