Kabanata 19

600 24 0
                                    

Matapos ang klase ay dumiretso kagad ako sa coffee shop ni lola Mercy, It's my part time job okay lang naman 'yun saakin dahil 2 hours lang akong magseserve at gagawa ng kape sa mga customers, tinuruan ako ng isa sa mga nagtatrabaho kung paano gumawa kaya madali ko naman itong naintindihan.

Akalain mo 'yun, 2 hours lang ang trabaho ko at sa isang linggo makakatanggap ako ng tatlong libo. Napailing ako, napakaswerte ko naman ata. Aba! Kung ganun hindi na ako magtatrabaho sa isang maliit na kumpanya kung linggo-linggo naman ay nakakasahod ako ng tatlong libo. Hehe.

"Allie, Pakiserve mo naman ang table na'yun. " tinignan ko naman ang tinuro ni Ate Faye ang isang nakatalikod na lalaki at nakatanaw sa malaking glass window sa labas na nagsisimula ng dumilim.

Alas-kwatro ang oras ng uwian namin, ngayon ay malapit ng mag alas-sais ng gabi kaya ilang minuto nalang ay tapos na ako sa part time ko.

Hindi ko parin naiikukwento kay Lola Mercy ang mga kinuwento ni Venice hindi ko alam pero wala pa talaga ako sa mood na i-on ulit ang topic na 'yun.

Kinuha ko ang tray na inaabot saakin Ate Faye kaya agad ko ng pinuntahan ang lalaking nag order nito.

"Here's your order sir! Enjoy!" inilapag ko ito at nginitian pero napawi ang ngiti ko ng makita ko ang pamilyar nitong mukha.

Mukhang malalim ang iniisip niya dahil hindi parin ako nito tinitignan at nakatingin lang sa labas at pinagmamasdan ang bawat mga tao na naglalakad sa gilid.

Kung hindi pa ako tumikhim ay hindi pa ako nito napansin. Kita sa mukha niya ang pagkagulat kaya matipid ko siyang nginitian.

"Enjoy your order sir." paguulit ko. Kung hindi lang ako sinabihan na dapat laging nakangiti ay hindi ko ito ngingitian.

Napatigil lamang ako ng mapansin ang malalalim niyang titig sakin.

Sa mga mata niya kung titignan mong maigi kita rito ang lungkot at bakas na nasasaktan, nang dahil ba saakin ang mga emosyong ipinapakita niya sa mata niya?

Napaiwas ako ng tingin at aalis na sana ng hawakan ako nito sa kamay.

Bigla akong nanlamig at bumilis ang pag tibok ng puso ko kaya mabilis kong winakli ang kamay niya sa kamay ko.

"May kailangan po ba kayo sir?" mahinahon ngunit bakas ng pagkairitado kong tanong sakanya.


Tinignan ako niya akong mabuti kaya hindi ko maiwasang mapalunok.

"Pwedeng samahan mo ako?" kinunutan ko siya ng noo.

"Ano bang pinagsasabi mo?" inalis ko ang apron ko sa harap niya. Alam kong bastos pero tapos na ang part time job ko. Kailangan ko ng umuwi dahil pagod ako.

ttnignan ko si Ate Faye na dumaan saglit sa likod ng table na inuupuan ni Cleo para linisin ang mga kalat. Tinignan ko ito at nginitian.

"Ate Faye, mauuna na po ako." tumango naman ito kaya muli ko munang tinignan si Cleo na nakatingin lang saakin bago ako pumunta sa staff room para magpalit ng damit at kuhanin ang mga gamit ko.

Nagdala ako ng extra kong damit. syempre kung gagamitin ko ang uniform ko ay baka masira pa ang image nito dahil nakikita nilang nagtatrabaho ako sa isang Coffee shop. Dahil puro kaartehan lang ang alam ng school na 'yun porke't mayayaman sila.

Wait, sinabi pala saakin ni Venice na ang tatay ko raw ang may ari sa isa sa mga sikat na restaurant sa pilipinas. Sikreto lamang daw iyon na si Venice lang nakakaalam dahil kinuwento ko raw ito sakanya, she said its because my father want me to have a normal life.

Iyong tipong nakakakilala ng kaibigan na masasabi mong tunay at hindi yaman lang ang habol. Napabuntong hininga ako.

Gusto ko makita ang tatay ko. Kahit hindi ko siya maalala gusto kong tignna kung maayos lang ba ang kalagayan niya.

Napahinga ako ng malalim ng mapaisip ulit ako.

Naranasan ko ang marangyang buhay hindi tulad nitong si Allie na pinaghihirapan ang pagkain samantalang ako ay hindi naiisip na meron rin palang taong nahihirapang kumain dahil sa pera.

Now, come to think na nararanasan ko na ngayon ang paghihirap ni Allie kaysa ako na kahit ang alam ng tao na normal lang buhay ko noon ay hindi nila alam na marangya rin ako. I did my research last night, patay na pala ang magulang ni Allie wala siyang kamag anak man lang ni isa and to think na masisira ko pa ata ang kanyang scholarship dahil sa pagkaselfish ko at hindi inalala na pag natapos ko na ang misyon ko ay meron namang isang tao ang mahihirapan.

Pero matatapos ko nga ba ang misyon ko? Magiging maayos din ba si Allie?

Lumabas na ako ng staff room at inayos ang shoulder bag ko sa kanang balikat. Nang bubuksan ko na ang pinto palabas ng coffee shop ay agad tumambad saakin ang lalaking nakasandal sa pader.

Nakaramdam ako ng kakaibang kirot sa puso at nagiwas ng tingin. Cleo.

That GhostWhere stories live. Discover now