Kabanata 52

491 18 0
                                    


ALLIE PREYAR

Rumeshistro sa mga mukha nila ang gulat. Sa paraan nito ay parang may isang malaking tinik ang nabunot sa puso ko. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Hindi ko alam pero napakagaan sa loob kapag pakiramdam mo ay tama lang ang iyong desisyon. Kahit na ikakapahamak o ikakatakot mo man ang mangyayari sa pag pili mo ng desisyon ay at least alam mo sa sarili mong tama ang ginagawa mo alang-alang sa taong nakasalalay. Ang taong ikaw lang ang mahihingan ng tulong.

Lumunok ako at inulit ang sinabi. Mukha kasing wala sila balak mag salita sa gulat.

"Pumapayag na akong tulungan si... A-avery, kung sasanib man siya sa katawan ko ay pumapayag na ako." mag-iwas ako ng tingin sakanila. Kung iyon ang paraan para sa ikaliligtas ni Avery.

Siguro kung hindi ako pumayag sa gustong mangyari ni Lola Mercy ay habang buhay ng bumabagabag sa isip ko iyon habang buhay akong makokonsensya sa nagawang desisyon.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag tayo ni Lola Mercy at siya ring pagyakap sa akin.

"Hija, maraming salamat!" nagulat ako at naiilang na itinapik ang kanyang likod.

Napatingin ako kay Venice at Tyler nakita kong pinunasan ni Venice ang luhang tumulo sa pisngi niya na mukhang masaya siya habang si Tyler naman ay ngumiti lang sakin ng matipid.

This is it. Avery, kung ano man talaga ang misyon mo dito ay handa na akong tumulong. Kahit na alam kong sa sarili ko ay ayaw ko sayo. Kahit naman pilitin kong magalit sayo hindi ko magawa. Mag kabagyo man at lumindol ay kapatid pa rin kita.

That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon