Kabanata 31

534 22 0
                                    


Natapos ang usapan namin ni Allieson ng hindi ko man lang magawang makapagsalita.

Ano bang sasabihin ko? Aba ano bang malay ko sa Tatay nila? Nako buti nalang at hindi siya nakahalata siguro napansin niyang wala akong balak magsalita kaya nagpaalam na siyang aalis pero hindi pa raw tapos ang aming usapan.

Nanlalambot akong tumayo at kinuha ang shoulder bag na katabi ko at nagsimula ng umalis sa Cafe. Jusko, ngayon lang ako nakahinga ng maluwag. Magaalas-syete na pala ng gabi at hindi ako nakapagpart-time nako patay ako niyan kay Ate Faye.

"Want a ride?" napatalon naman ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likod ko.

Hawak ang dibdib kong nilingunan ang hampas lupang nanggulat sa akin. Sisigawan ko na sana ito nang bigla akong napatigil ng makita ko ang nakangising si Cleo.

Nabalik ako sa realidad ng bumuhos ang malakas na ulan. May bagyo ba? Magddisyembre na ah. Dali dali naman akong tumakbo para sumilong sa waiting shed at tinignan si Cleo na ngayon ay nakasimangot na.

Ano bang problema nito? Parang siraulo lang eh.

Pinagmasdan ako nito atsaka maya maya'y sumunod. "Panira talaga ang ulan kahit kailan." iritadong bulong nito sa sarili kaya kinunutan ko siya ng noo.

Siraulo nga talaga. Iginilid ko ang ulo ko para tignan ang tinitignan niya at napanganga ako ng makita ko ang kulay pulang ducati motorcycle na mukhang bagong bago pa dahil makintab at wala pa itong gasgas o sadyang maalaga lang siya? Well I don't care.

Hindi ko na siya pinansin at naghintay na ng taxi. Pero halos magkanda ugaga na akong kakataas ng kamay para pumara ng taxi pero hindi man lang ito tumitigil.

Kung minamalas ka nga naman. Ito na nga ba ang sinsabi ko eh! Ugh! muli kong tinignan si Cleo na malungkot parin na nakatingin sa kanyang motor na animo'y mukhang nalugi.

Mas lalo pang lumakas ang ulan kaya wala na akong nagawa kundi ang kalabitin ito. No choice na dahil kailangan ko ng umuwi dahil gagawin ko pa ang assignment na ipapasa ko bukas.

Aba, talagang kinarir mo na ginagawa mo Avery ah? Baka mawala sa isip mo patay ka na at hindi sa iyo itong katawan na ito.

Napailing ako sa naisip at isinawalang bahala nalang ito. Hindi ito ang tamang panahon para isipin iyon.

Muli ko na ulit binaling ang tingin kay Cleo at kahit na naguguluhan na ako sa sinasabi ng utak ko ay kinausap ko na siya.

"Yes, ihatid mo na ako sa bahay ko." bigla naman nagliwanag ang mukha nito pero maya maya'y sumimangot ulit.

"Can't you see? umuulan baka magkasakit ka." biglang bumilis ang tibok nang puso ko sa sinabi nito.

What's the meaning of that Avery?!

"I-it's okay, I really need to go home now." medyo nauutal kong utas.

Napatango nalang ito at hinawakan ang wrist ko papunta sa motor niya na nakaparada lang sa tabi. Hindi ko mapaiwasan tignan ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay.

What the hell is happening? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Wait puso ko ba o ni Allie? What the fuck Avery? Ang gulo mo!

Nagsisimula narin kaming mabasa ng ulan pero hindi ko na iyon namamalayan dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Binitawan niya lang ang kamay ko ng makarating kami sa kanyang pulang motor at isinuot ang kulay itim na helmet

Tinignan ko lang siya sa ginagawa niya napatigil naman ito at napingon saakin. Agad akong napaiwas at pa kunwa'y inayos ang buhok.

Oh shit.

Natigil ako ng ialis niya ang kanyang jacket na suot at pinatong sa balikat ko, ibinuhol niya ang dulo nito para hindi mahulog. Muli akong tinignan nito at nginitian.

Bago paman ako makapagsalita ay binuhat na niya ako sa motor na ikinabigla ko.

Hinawakan nito ang magkabila kong kamay atsaka ito ipinulupot sa kanyang baywang. Hindi ako makapagsalita sa sobrang bigla.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Kumapit kalang, baka mahulog ka."
Iyon ang huli kong narinig sakanya bago niya pinaharurot ang motor.

That GhostDonde viven las historias. Descúbrelo ahora