Kabanata 27

508 19 0
                                    


Napatigil ako sa pag-iyak ng mapansin ang kamay na nakalahad sa aking harapan. Sa kanyang kamay ay may nakalagay na kulay asul na panyo. Saglit ako natigilan bago ko inangat ang aking ulo para makita kung sino ito.

My eyes widened ng makita ko si Travis na seryoso nakatingin sa akin. Alanganin kong kinuha ang panyo na nakalahad at pinunusan ang luha ko. muli ko siya tinignan.


"Pwede ba akong suminga? Promise ilalaban ko ito bukas." hindi ko na kasi mapigilan at kanina pa tumutulo sipon ko kakaiyak. Alangan namang hayaan kong nakadisplay sa labas diba?

Halata sa mukha nito ang pagkagulat pero maya maya'  natawa at inilingan ako. Umupo ito sa tabi ko.

"You know what?" napatigil ako sa pag singa at tinignan ito ng magsalita siya.

Nakangiti ito habang nakatingin sa langit. Pero ang ngiting iyon ay nagsasabing malungkot ito.

Hinintay ko ang sasabihin nito at hindi nag salita. Pinagmasdan ko lamang siya.

"Parehas kayo ng lintanya ng taong minahal ko noong una kaming nagkita." tumingin ito sa akin at nginitian kaya napatigil ako.

Wait, what? Ako ba 'yun?

"Sino siya?" patay malisya kong tanong dito.

Ngumiti siya sakin at muli ulit tumingin sa kalangitan.

"I'm sorry at nagkita tayo sa pangit na situation." tumawa ito at inilahad ang kamay. "I'm Travis Vergara." tinignan ko ang kamay nito.

Napansin naman niyang hindi ko pa ito inaabot kaya tumingin na ito saakin. "Gusto kong magpakilala ng maayos. I'm Travis Vergara." ulit nito kaya ngumiti na ako at iniabot ang kanyang kamay.

Oo nga, dahil ang pangit ng una naming ulit na pagkikita.

"Can I tell you a secret?" kita ko ang pagkunot noo nito pero kahit naguguluhan siya ay tumango siya. "I'm not Allie." tumawa ito kaya napatawa narin ako.

"Sorry nga pala kung kinulit kita dati, I just want us to be friends. I remember you from someone. But hey! No offense!" ngumiti nalang ako at tumango dito.

Mabait si Travis. I know. I hipe he meets someone who will love him. Hindi naman siya mahirap mahalin. Kung sa ibang pagkakataon nga baka nahulog ang loob ko sakanya.

"Pero bakit ka pala umiyak?" napatigil ako mukhang napansin niya iyon kaya napakamot siya ulo. "I'm sorry."

Was this because of Cleo? No.

Umiling ako at sinabing wala lang 'yun mukha namang naintindihan niya na ayaw kong sabihin kaya hindi na ito nangulita pa.

"Sino ba ang maswerteng taong mahal mo?" pag uulit ko sa tanong kanina. Napalingon ito sakin at ngumiti. Ngunit ang ngiting iyon ay hindi umabot sa kanyang mata.

"You don't know her?" ngumiti ito ng malungkot.

Umiling ako kahit naba alam ko na ang sagot. Tumingin siya sa langit at itinuro 'yun.

"Nasa langit na siya eh."

You're wrong, Travis. Hindi ko alam kung makakaakyat ba ako sa langit dahil sa ginawa ko. I just hope this will end peacefully.

That GhostWhere stories live. Discover now