Kabanata 17

569 22 0
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig at first I was a bit confused.

D-Did I really committed suicide? N-no! Bakit ko naman gagawin iyon sa isang lalaki? Why would I end my life to someone w-who is not even worth it?

Bakit? Bakit ko gagawin iyon?

Naramdaman ko ang pag patak ng luha sa aking pisngi. Wala akong pakialam kung makita ito ni Venice. Dahil iniisp ko kung bakit. Bakit ko nagawa 'yum?

"Hi-hindi manlang niya nalinis ang pangalan niya bago niya naisipang magpakamatay." umiyak ito.

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung anong irereact ko, wala akong maisip kundi ang nga salitang binitiwan ni Venice.

"Marami ang nagalit sakanya at wala ni isang nakaintindi sakanya, it's because ni-plano ni Kareen na sirain ang image niya sa mga estudyante at pati kay Cleo." pinahid ni Venice ang kanyang luha na tumutulo.

"Sa akin lang siya lumapit para ikuwento lahat ang nangyari, naiintindihan ko siya bilang kaibigan pero nakalipas ang isang oras ng sinabi niya na gusto muna niyang mapagisa ay nalaman ko nalang na... p-patay na siya." humagulgol si Venice kaya pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at mabilis itong inalo para tumigil sa kakaiyak.

Pilit na tumawa si Venice kahit alam kong nalulungkot siya. Parang kinukurot ang puso ko ng makita siyang ganyan.

"Apat na buwan nalang at mag-iisang taon na ang kamatayan niya. Amg masaklap pa ay ang araw ng anibersaryo nila ni Cleo." kita ko ang galit sa mukha ni Venice.

Napabuntong hininga ako at bumalik sa pwesto ko. Did really Kareen planned to broke my image?

Hindi ko alam pero bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang kanina pa bumabagabag saakin.

"Ano ang naging reaction ni Cleo?" napatigil siya sa paginom at tinignan ako ng mataimtim.

Kita sa mukha nito ang inis. "That asshole cried." tumawa siya ng sarkastiko.

Alam ko ang nararamdaman ni Venice, galit siya kay Cleo dahil sa nangyari saakin hindi ko siya masisi. Napaka mabuting kaibigan ni Venice at sobra akong nagagalak na nakilala at naging parte siya ng buhay ko.

Ngumiti nalang ako kahit na maraming katanungan ang kailangan kong sagutin kahit na gusto ko pang mag tanong.

Matapos ang pag bonding namin ni Venice, we bid our goodbyes. naghiwalay na kami ng direksyon na uuwian. Naisipan ko ng umuwi at wag ng puntahan si lola Mercym

Bukas ko na ikukuwento sakanya ang mga nalaman ko kay Venice. Masyado pa kasi ako naguluhan sa nangyari kaya gusto ko munang mapagisa.

Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay kusa nalang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Binagsak ko ang mga pinamili ko sa sofa at umupo. Napapikit ako at humagulgol.

Dahil lang sa pinagsalitaan niya ako ng masasakit na salita ay magpapakamatay na ako? Bakit napakababaw ko namang tao? Ganoon na ba akong nabulag sa pagibig na handang magpakamatay para sa isang lalaki na hindi naman worth it?

Pinalo ko ang dibdib ko ng maramdaman kong naninikip ito. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naki-sabay narin ang ulan sa pagiyak ko.

Ito siguro ang dahilan kung bakit nandito pa rin ako sa lupa. Because I ended my life. If only I could turn back the time and make things right.

How I wish I didn't met him...

That GhostTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang