Kabanata 43

483 20 0
                                    

AVERY MASON

"T-tyler! Nababaliw ka na ba?"

Kita ko ang panginginig sa katawan ni Allie matapos niya marinig ang sinabi ni Tyler.

Napabuntong hininga ako. I'm really sorry Allie alam kong naguguluhan ka sa nangyayari.

"Are joking? Nasaan ang hidden camera? Hindi na nakakatawa 'to!" napapikit ako dahil bigla na namang umiyak si Allie.

Huminga ako ng malalim bago lumabas sa kwarto at magpahangin. Isang buwan nalang ang natitira sakin. December na pero wala parin akong idea sa misyon ko. Satingin ko ay kailangan ko ng kumilos.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Venice na may kausap na lalaking nakatalikod 'di kalayuan. Tumaas ang kilay ko ng mapansin kong pamilyar ang lalaki. It's Allieson. Lumapit ako at tinignan silang seryosong naguusap.

"Kinakausap na ni Tyler si Allie. For now, wag muna tayong umeksena." narinig ko ang pagbuntong hininga ni Allieson at sabay pag gulo ng buhok nito.

"I really can't believe this. All these time hindi pala si Allie ang kausap ko. Kaya pala iba ang kinikilos niya." frustrated na utas ni Allieson.

Nakita kong napayuko si Venice. Alam kong gulat na gulat rin siya sa nangyayari lalong lalo na ng malaman niyang ako ang gumagamit ng katawan ni Allie.

"E-excuse me, iinom lang ako." Tumango naman si Allieson bago umalis si Venice. Sinundan ko siya.

Napadpad kami sa likod ng hospital kung saan may garden at maraming bench wala gaanong tao ang pumupunta dito. Umupo ako sa tabi ni Venice ng umupo rin siya.

Ilang minuto palang ang nakalilipas ng biglang tumulo ang luha niya. "I'm sorry Avery..." humikbi ito.

Nagsisimula ng uminit ang sulok ng mata ko. "Sorry kung hindi kita nabantayan, kung alam ko lang na mangyayari ito hindi na sana kita iniwan. N-nagsisisi ako. I hated the fact na lahat sila ay masaya pa ng mag pakamatay ka. If you're here with me listening I hope you forgive me sana mapatawad mo na rin ang mga taong sinaktan ka. Sana maging masaya ka na." dahil doon ay napaiyak narin ako.

You don't need to say sorry Venice, ako dapat ang nagsasabi niyan. I'm sorry kung hindi kita naisip ng magpakamatay ako. I'm sorry kung hanggang ngayon ay mabigat parin ang nararamdaman mo dahil akala mo ikaw ang may kasalanan. You're wrong, ako ang may kasalanan. masyado akong nabulag sa pagmamahal kaya ng masaktan ako ay nagpakamatay ako.

Niyakap ko siya. I'll never forget you Venny, isa ka sa taong hinding-hindi ko kakalimutan.

That GhostNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ