Kabanata 39

494 19 0
                                    



Pinanood ko lamang si Venice na umiiyak at umiiling-iling pa ito na animo'y hindi naniniwala  sa mga nangyayari. Tumingin sakin si Lola Mercy at bumuntong hininga. Kung ako rin naman kasi ang nasa posisyon ni Ven, hindi ako maniniwala at mas lalong mahirap paniwalaan.

"Sige Lola Mercy, Ikwento niyo po lahat ang nangyari." napansin ko si Tyler na nasa gilid lamang at tahimik na mukhang may malalim na iniisip.

"Nakilala ko si Avery dalawang buwan na ang nakalilipas." paninimula ni Lola Mercy.

Nag-angat ng tingin si Venice at pinunusan ang luhang nasa pisngi. "Lola, ano po ang ibig niyong sabihin? H-hindi ko po kayo maintindihan, totoo po ba ang lahat ng ito?" napatingin sakin si Lola Mercy.

"Hija, mas maganda kung ikaw na ang magkwento sakanila." napakunot ako ng noo sa sinabi ni Lola Mercy.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" bumuntong hininga ulit si Lola Mercy at pumikit na mas lalong ipinagtaka ko.


"L-lola, ano pong ginagawa nyo?" naguguluhan kong tanong.

"Eto lang ang madaling paraan para maniwala sila hija,"


 VENICE COJEN

Nagtataka kong pinanood si Lola Mercy na nag sasalitang mag-isa at pumikit. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Tyler na nakatingin lang din dito.

"Tyler, anong nangyayari? Anong ginagawa niya?" bulong ko pero mukhang hindi ako nito narinig dahil patuloy parin siyang nakatingin dito.

"I know hindi na ikaw ang matanda." biglang nagsalita si Tyler na ikinabigla ko.


Bigla ako nanlamig ng binalingan ko si Lola Mercy dapat ba akong matakot? Tumingin sakanya si Lola Mercy at ngumiti. 

"Tama ka, it's me Avery..."

Parang ilang segundo pa ang nagdaan at napalilibutan parin kami ng nakakabinging katahimikan. Ano 'to? Wala na akong maintindihan sa nangyayari. Avery? Si Avery ba talaga ito?

"But how? Kung ikaw si Avery, b-bakit..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko lalo na ng tumingin ito sa akin atsaka ngumiti.

"Hindi pa tapos ang misyon ko dito Venny." bigla kong natakpan ang aking bibig dahil sa sobrang pagkabigla at napaiyak. Venny, she called me Venny. Si Avery lang ang tumatawag niyan sa akin. How did this happen? 

"Anong misyon ang sinasabi mo?"seryosong tanong ni Tyler. "At bakit ginagamit mo ang katawan ni Allie?" dugtong niya.

Bumuntong hininga ito at tinignan si Allie na ngayo'y mahimbing parin na natutulog sa hospital bed. "Una sa lahat hindi ko ginamit ang katawan niya. Wala akong intensyon na gawin iyon at ng mga panahong iyon hindi ko siya kilala or matandaan man. Lately ko lang napansin na maybe we are connected kaya somewhat nag tagpo kami. " paliwanag niya.

"Walong buwan na akong namamalagi dito sa lupa at ngayong dalawa't kalahating buwan na akong nasa katawan ni Allie ay doon ko unti-unting naalala ang lahat. Ang mga nangyari sakin kung sino ang mga kaibigan ko." tumingin sakin si Lola Mercy at parang may humaplos sa puso ko at the same time parang piniga dahil sa sakit at lungkot. Sakit at lungkot para sa nangyari kay Avery.

"Kaunting panahon nalang ang natitira sa akin at sa konting panahon na iyon, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa." anong ibig niya sabihin?

"Something is wrong with me."

That GhostWhere stories live. Discover now