Kabanata 45

480 21 2
                                    


TYLER VERGARA

"Allie, siya si Lola Mercy." nag angat ng tingin si Allie.

Isang linggo na ang nakalilipas simula ng araw na sabihin ko sakanya ang mga nangyari sa loob ng dalawa't kalahating buwan. Sa loob ng isang linggo na iyon ay tahimik lang siyang nakatulala at mukhang malalim ang iniisip. Kahit na nagaalala na si Venice sakanya ay hindi namin siya inistorbo dahil alam naming naguguluhan siya sa nangyayari.

Umupo si Lola Mercy malapit kay Allie at nginitian ito. Nakatingin lang si Allie dito.

Nandito parin kami sa hospital sa hindi malamang dahilan. Sabi kasi ng doctor ay mas matutukan daw siya kung nandito dahil minsan daw ay ayaw talaga nitong kumain kaya tinuturukan siya.

"Hija, maayos na ba ang pakiramdam mo?" pumunta ako sa gilid malapit sa pinto para makapagusap sila.

Napabuntong hininga naman ako ng maramdaman ko ang presensya ni Avery. Masyado ng nanghihina ang kalulwa niya. I can feel it

ALLIE PREYAR

Tinignan ko lang ang matandang babae na umupo sa upuan malapit sakin. Mahinahon ngunit may kakaibang aura ang bumabalot sakanyang katauhan. Napailing ako. Ako lang ba iyon?

"Allie, kumusta ka na?" tanong nito kaya kinunutan ko siya ng noo.

Paano ako nito nakilala? Sa pagkakaalam ko hindi ko siya kilala.

Narinig ko ang pagtawa nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Pasensya na hija, naalala ko hindi mo pa pala ako kilala." umiling ito at inayos ang salamin sa kanyang mata na nakatagilid na sa pagtawa.

"Inuulit ko, ako nga pala si Mercedes Ramos. itawag mo nalang akong Lola Mercy."

The name doesn't ring the bell to me. Paano't kilala niya ako?

"Sino ho kayo at bakit niyo ako kilala?"

Napansin kong lumingon ito sa gilid niya na para bang may tinitignan hindi kalayuan kaya napataas ako ng kilay.

"Ikukuwento ko sayo ang lahat, Lahat ng kwento kong iyon ay sana maunawaan at maintindihan mo. Mahirap man paniwalaan pero totoo." nagtaas uli ako ng kilay pero hindi na nagsalita hinintay nalamang siyang magkwento.

"Lahat ito ay nag umpisa ng makilala ko si Avery Mason," bigla naman akong nalamig ng marinig ko ang pangalan niya.

"Ang araw kung saan nalaman kong meron siyang misyon na kailangan niyang tapusin bago mahuli ang lahat, ang araw kung saan hindi niya aksidenteng nasanib ang kalulwa niya sa katawan mo. Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko pero 'yun ang totoo hija, at alam kong may koneksyon ka sakanya. May koneksyon kayo sa isa't isa."  napakurap ako sa sinabi nito.

"Hija, Ano talaga ang koneksyon mo sakanya?"

That GhostWhere stories live. Discover now