Kabanata 3

892 28 0
                                    

"Allie! Anong nangyari sa'yo?" niyugyog ako ng babaeng maiksing buhok ngunit hindi ko ito magawang tignan dahil patuloy ko parin tinitignan ang sarili kong repleksyon sa malaking bintana ng kainan na ito. Nagsimula narin akong pagtinginan ng mga tao.

Shit! Kailangan kong mahanap si Lola Mercy. Hindi ko alam kung anong nangyayari at napunta ako sa katawan ng babaeng hindi ko naman kilala.

Bumalik ako sa coffee shop kung saan kami nagusap pero nakita kong wala na siya. Lumabas ako at luminga-linga nagbabaka sakaling makita siya dito.

Nasaan ka ba Lola?

"Allie! Ano ka ba late na tayo." bigla akong hinawakan sa braso ng babaeng maiksi ang buhok at hinila ako.

Wala akong nagawa kundi ang magpatianod na dito habang ang utak ko ay gulong gulo parin sa nangyayari.

"S-sino ka?" bigla itong napatigil sa paglalakad at kunot noo akong tinignan.

"Allie Preyar, nasisiraan ka na ba ng bait?" kumarap ako at saglit na napangiwi ng biglang pumintig ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.

Allie Preyar?

"Saan mo ako dadalin?" ngayon naman ay tumaas ang kilay nito at pumaymewang sa aking harapan.

"Nasiraan ka na talaga ng bait." bulong nito at muli akong tinignan.

"Malamang sa school! Late na tayo at meron pa tayong ire-report sa Science!" sigaw nito. napapikit ako ng mariin.

Ugh! Paano ba ako aalis sa katawan na'to?

"Allie, tara na." nagpatianod nalang ako sakanya kahit na ngayon ay gulong-gulo na ako sa nangyayari.

Ilang minuto ang lumipas ng makarating kami sa isang malawak at malaking paaralan. Maraming building ang nakatayo at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa halatang isa itong pribado at yayamanin na paaralan. Hindi ko alam pero paran pamilyar saakin ang lugar na'to. Napahawak ako sa ulo ng bigla ulit itong kumirot.

"Oh, Venice at Allie, nalate ata kayo?" tinignan ko ang securuty guard na nagbabantay sa gate.

Ahh, Ang maiksing buhok na kasama ko ay Venice ang kanyang pangalan. Bigla akong napalunok ng lumamig ang katawan ko.

"Opo manong Elgar, bumili po kasi kami ng material sa mall tapos nakita ko nalang nawala itong si Allie kaya hinanap ko pa." diniin niya ang pangalang Allie kaya napatingin ako sakanya.

Tumango naman ang guard at pinapasok na kami sa gilid ay may mga magagarbong sasakyan na nakaparada at ni isa wala kang makikitang luma, makikita mong kumikintab lahat ito.

"Allie! tumakbo na tayo dahil meron pa tayong natitirang 2 minutes." tinignan niya ang relos niya at muli akong tinignan halata ang pagkakaba at pagkataranta sa mukha.

Hindi ako umimik at pinagmasdan lang siya.

Huminga itong malalim at inunat ang binti. "Pag sinabi kong 'go' tumakbo ka na okay." tumango nalang ako.

Hindi pa man ito nakakapagsabi ng go signal ay nagulat nalang ako ng bigla na siyang tumakbo. Napangiwi ako hindi niya siguro namalayan iyon dahil sa kaba niya. Tumakbo at snundan ko nalang siya.

Malay ko ba, hindi ko naman alam kung saan kami pupunta.

Hingal na hingal kaming tumigil sa isang malaking pinto na nakasarado. Napansin ko ang pamumutla ni Venice at ang pagtulo ng pawis nito sa noo.

"Nako! mukhang nandito na si Sir Maduho." bulong sakin ni Venice dahan dahang binuksan ang pinto.

Doon bumangad samin ang isang guro na may kaedaran na. Hindi maiwasang tignan ng aking mga mata ang makintab nitong ulo dahilan para mapangisi ako. Siguro ay endorser ito ng star wax dahil sa kintab ng kanyang ulo.

Hindi ko mapigilang matawa sa naisip ko dahilan para mapalingon sa akin ang tinutukoy ni Venice na si Sir Maduho at kita ko ang talim sa mga mata nito kaya napatikhim ako at pilit itong nginitian.

"Ms. Preyar and Cojen!" kumarap ako ng ituro kami nito gamit ang mahaba stick.

"In detention, now!"

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng pamilyar na senaryo.

That GhostWhere stories live. Discover now