Kabanata 7

668 25 0
                                    

Ugh! Ang init. Mabilis akong napaupo at pinaypayan ang sarili. Anong klaseng electric fan 'to?

Hinampas ko ang electric fan at nagbabaka sakaling lumakas ito pero mukhang mas lumala lang ata ang kondisyon nito.

Sumisikat na ang araw at hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog ng maayos. Tumayo na ako tutal nawala na rin naman ang antok ko sa nagmamala alarm clock kunong electric fan ni Allie.

Humihikab kong binuksan ang maliit na ref at sa hindi malamanag dahilan ay napatakip nalang ako ng ilong ng may maamoy akong malansa.

Shit! Bakit hindi nakasaksak ang ref? Ano 'to nagtitipid ba siya sa kuryente?

"Argh!" napasabunot ako sa buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko.

Nagugutom na ako pa'no na iyan?

Dali-dali kong kinuha ang manipis na jacket na nakasukbit sa braso ng sofa at mabilis na kinuha ang susi at ang wallet. Siguro ay maghahanap nalang ako sa labas ng makakainan tutal binigay naman saakin ni Lola Mercy ay isang libong piso.

Buti nalang at nakilala ko si Lola nako! Kung hindi ay walang mangyayari sa akin at sa babaeng ito.

Habang naglalakad ako ay tinanggal ko ang malaking salamin tutal hindi naman malabo ang paningin ko- err niya. Teka, bakit ba siya nagsasalamin kung hindi naman malabo ang mata niya? adik ata itong babaeng 'to.

Napahinto naman ako sa paglalakad ng may nakita ako 'di kalayuang karinderyahan. Okay, dito na ako kakain nagugutom na talaga ako.

"Hija anong order mo?" nginitian ko muna ang may kaedaran na babae at pagkatalos ay tinignan isa-isa ang mga nasa kaldero.

"Sisig nga po atsaka dalawang rice." tumango naman ito at nagsandok na. Muli akong tinignan nito at tininaasan ako ng kilay tinaas ko rin ang kilay ko para it's a tie.

Sabi nga nila kung ano ang ibinigay sayo ay ibigay mo rin ito pabalik. Ano daw? Anyways, gutom lang siguro ito.

"Anong softdrink mo?" tanong nito kaya bumungisngis ako.

"Kahit ano po basta ba sprite." napatawa naman ito habang umiiling.

Mukha ba akong nagpapatawa?

"Ngayon lang kita nakita dito, bago kalang ba dito sa subdivision?" napakunot ako ng noo at maya maya'y umiling.

Hindi ko alam! Like bakit ba usisera ito?

"Ahh, nako hindi po! Doon po ako sa dulo, matagal na po ako dito?" pagsisinungaling ko. Aba! Malay ko ba kung kakalipat lang niya basta kakain na ako 'yun ang mahalaga.

"Pumapasok ka ba hija?" 

Ano ba 'to? Q&A? Hindi ako nainform ah!

Tumango nalang ako at aligagang kinuha ang plato sakanya at umupo sa malapit. Inilapag na niya ang sprite ko kaya nagpasalamat ako. "Saan ka pumapasok?" tinignan ko siya.

Can you just give me a chance to eat?

"sa..." napaisip ako bigla. teka, ano nga bang pangalan ng school na'yun?

Napatingin naman ako sa biglang pumasok. Lalaki ito at nakabihis ng uniform na pinapasukan nitong babaeng ito ngumiti ako ng napakalapad at itinuro 'yun.

"Doon po ako nagaaral sa pinagaaralan niya." napalingon naman ito doon sa lalaki.

"Oh, Travis!" napakunot ako ng noo ng lumapit si usisera sa lalaki. Yes, dahil matanong siya ay ipapangalan ko siyang usisera.

Ngumiti naman ang lalaki rito. "Good morning po manang! Anong niluto niyo ngayon?" pinanood ko lang sila na lumapit sa counter at kung paano ngumiti itong lalaking ito.

Bigla akong napatikom ng bibig ng marealize ko na nakanganga na pala ako dito. Oo na gwapo na siya pero not my type.

Nang lumingon ito sa pwesto ko ay bigla ako nito tinaasan ng kilay at gaya nga ng sabi-sabi ay tinaasan ko 'din siya ng kilay. Aba'y lintek lang ang walang ganti.

Pero ng bigla itong nagiwas ng tingin at nginitian si usisera ay nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang buong katawan ko sa hindi malamang dahilan.

"Travis" mahinang bulong ko habang nakatingin dito ng maigi.

Bakit napakapamilyar sa akin ng pangalang iyon? Hindi kaya ay kilala ko siya?

That GhostWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu