Kabanata 21

534 23 0
                                    

1/1/15

"N-naniniwala ka ba sa'kin?" halos nararamdaman ko na ang kaba at panginginig ng buong sistema ko ng harapin ako nito

Tinikom nito ang bibig niya at nagiwas ng tingin at parang piniga ang puso ko sa naging reaksyon niya.

Sa pinapakita niyang emosyon ngayon, masakit para saakin dahil hindi niya ako magawang paniwalaan sa nakikita sa nangyari kanina saakin at kay Travis.

"Paniniwalaan mo lang ba ang mga nakita mo at hindi ka maniniwala sa mga sasabihin ko Cleo? Wala kaming relasyon Cleo!" doon na nag umpisang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Tinignan ako nito ng punong puno ng pandidiri at pagkamuhi.

Bakit Cleo?

Napapikit nalang ako ng mariin ng bigla niya akong tinulak sa pader na ikinadaing ko.

"Isa kang malanding babae. Hindi ko aakalain na ganyan pala ang ugali mo " napaawang ang labi ko sa narinig at napahikbi nalang.

Hindi ko alam kung saan ako masasaktan. Ang pagtulak ba niya o ang mga salitang binitawan niya sa akin.

Nanginginig ang kamay kong dinapo ito sa kanyang kanang pisngi. Nag-igting pa ito ng panga pero hindi parin mawawala ang malamig at matatalim nitong titig sa akin.

No, hindi siya si Cleo. He's not my Cleo.

"H-huwag kang magsalita na parang alam mo ang nangyari Cleo." humihikbi kong utas rito.

Kita ko sa mukha ni Cleo ang galit.

"Alam ko ang lahat Avery. Mas mabuti pang maghiwalay na tayo." malamig nitong sabi kaya napatigil ako sa paghikbi at tinignan siya.

Parang nabingi ako sa narinig at natauhan lamang ng akmang tatalikod na ito. No!

"N-no, Cleo!" lumuhod ako at nanginginig na hinawakan ang kanyang kamay. "I-i need you right now. Kailangan kita dahil mahal kita p-please don't do this." lahat ng mga tao ay hindi ako naiintindihan wala ni isa ang nakakaintindi saakin.

Pero imbes na lumuhod siya sa harapan ko ay umalis siya ng walang sinasabi. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam pero parang unti-unting nawawasak ang puso ko sa sakit.

Cleo, ganito nalang ba kadali lahat sayo?

Iyak ako ng iyak hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na pinupuntahan si Venice. I know she will understand me. I need a friend right now.

Idinilat ko ang mga mata ko at tulalang napahawak sa aking pisngi ng makaramdam ako ng basa.

Hindi ko namalayan na patuloy pa rin bumubuhos ang luha sa aking mga mata at halos manikip ang dibdib ko sa panaginip ko. No I mean hindi siya panaginip, kundi isa siya alaala. Ang mapait na alaala ko nung nabubuhay pa ako.

Bakit iyon pa talaga ang una kong naalala?

Nasa subdivision na ako. Hindi ko pinansin ang mga tawag ni Cleo dahil masyado akong naging emosyonal. Ngayon alam ko na kung bakit ako umiyak sa simpleng salita na iyon. Dahil sa munting alaala . Hindi naman na ako nito muli pang hinabol.

Pero kung ipinakita sa akin iyon. Bakit iyon lang? Mayroon pa ba dapat akong matuklasan?

Pero sa mga oras na ito ay isa lang ang nararamdaman ko...

Ang galit kay Cleo.

That GhostМесто, где живут истории. Откройте их для себя