Kabanata 15

596 23 0
                                    


"Sige po lola, aalis na ako." kinawayan ko si Lola Mercy bago umalis ng kanyang bahay.

Siabi na saakin ni Lola Mercy na pwede muna akong magtrabaho sa kanyang coffee shop habang nasa katawan ako ng babaeng ito para naman mag karoon ako ng pera. Maguumpisa na nga ako sa monday pagkatapos ng klase ko.

Buti nalang at mabait si Lola Mercy sinabihan niya pa ako na baka daw may mangyaring masama kaya doon nalang ako sa bahay niya matulog. Syempre itinanggi ko iyon dahil nahihiya ako marami na ang naitulong saakin si Lola Mercy and ayaw ko ng maging pabigat pa.

Ngayon ay sinubukan ko ng maghanap ng impormasyon patungkol sa buhay ko noon. Tinawagan ko si Venice at niyaya ko siyang pumunta kami sa mall. Gusto ko sanang itanong sakanya ang tungkol sa akin.

Nang makita ko siya na lumilinga ay agad ko itinaas ang aking kamay at winagayway agad naman niya akong nakita at kumaway rin sa akin.

Malakas ang looh kong magyayang mag shopping dahil may pera ako na ibinigau sa akin ni lola. Kumbaga advanced ko makukuha ang sweldo ko ngayon na halagang 3k akalain mo 'yun! Gagawa lang ako ng kape at makaka-3k na ako a week.

Nako hulog talaga ng langit si Lola!

"Buti nagyaya kang magshopping? dati ako pa ang nagpupumilit sayo." tumawa ito kaya pagak akong tumawa. Mukha namang hindi siya nakakahalata na iba ako.

"Siya nga pala," napalingon ito ng bigla akong magsalita.

Patuloy pa rin kaming naglalakad at naghahanap na magagandnag damit. Napansin ko kasi sa drawer nitong babaeng ito na puro t-shirt at pants lang. Kya ginupit ko ang isa sa mga pants niya at ginawang short, ginupit ko rin ang mangas ng puting t-shirt na nagmukhang sando.

Sorry Allie kapag nagising ka. Hayaan mo marami naman akong bibilhin na damit para sayo basta mag rest ka muna. Let me handle this one.

"Ano ang ugali ni Avery?" inistalk ko kasi ang facebook ni Venice na naging kaibigan ko siya noong first year kami ito namang si Allie ay nakilala lang ni Venice nung second year high school.

Ang pagkakaalam ko ay never kong naging kaklase itong babaeng ito na si Allie. Nakita ko kasi class picture niya simula first year hanggang third year at wala ako doon.

Biglang napatigil si Venice at tinignan ako ng mabuti napansin ko ang lungkot sa mga mata nito pero mas nangingibabaw ang pagtataka.

"Huh, bakit bigla ka naman naging interesado kay Avery?" bigla akong kinabahan.

Kingina bakit 'di nalang kasi sabihin!

"Sa pagkakaalam ko ay hindi ka ganoong nagsasalita kapag kinukwento ko siya sa iyo noon. Lagi ka lang nakakunot noo at naisip ko na baka ayaw mo sa kanya. So why would you asked about her now?"

Oh noes.

That GhostOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz