Kabanata 20

595 26 0
                                    


Nang mahagip ako nito ng mga mata niya ay agad siyang sumenyas na lumapit ako.

Hindi ko maiwasang nginiwian siya at instead na sumunod ay nag lakad ako sa ibang direksyon para maghintay ng jeep sa terminal. Need ko mag tipid no! Hindi na dapat ako nagtataxi.

Medyo malayo kasi ang subdivision na tinitirahan ni Allie sa coffee shop ni lola Mercy. I feel guilty nga to lola Mercy at hindi ko siya nabati sa loob ng bahay niya.

"You should follow me lady." giit ng lalaking hingal na hingal kakatakbo para lang abutan ako.

And bakit ko naman gagawin iyon aber? Close ba tayo? Hmp!

"Wala akong sinabi na sasamahan kita kung saan ka pupunta kaya wag umalis ka na." inirapan ko ito at nag patuloy na sa paglalakad habang hawak ang strap ng shoulder bag ko ng mahigpit.

Naiinis ako sakanya! At the same time bigla ako nakaramdam din ako ng dismaya at galit sakanya. Dismaya dahil bakit ako magpapakamatay ng dahil sakanya at galit dahil pinagsalitaan niya ako ng masasamang salita.

Hindi ko man matandaan ang nangyari pero sa kinuwento ni Venice ay nagalit ako. Paano pa kaya kung ako na mismo ang nakatanda ng mga pangyayaring iyon.


Pero kung manumbalik man ang alaala ko ay wag na sana iyon mangyari pa. Dahil feeling ko napakababaw kong babae dahil lang nagpakamatay ako dahil sa nalunod ako sa pagmamahal sa lalaking ito. Kahit kailan ng una ko siya makita sa katawan ni Allie ay hindi ko kailan man naramdaman ang pamilyar niyang presensya.

Wait, binabawi ko na ang sinabi ko! Kailangan manumbalik ng memorya ko para makaakyat na ako sa langit and then nothing to worry about. Hindi ko na makikita ang adik na'to! Never!

Pero ang dahilan nga ba noon ay dahil nung nagpakamatay ako ay puro hinanakit ang nararamdaman ko sakanya or dahil hindi ko na talaga nakeri ang lahat ng nangyayari and nagdeads nalang ako. Oh wait! Kinikilabutan ako hindi kaya...

Kaya ako hindi makaakyat sa langit dahil sa impyerno ako mapupunta or gaya ng sinabi ni lola Mercy na magiging masamang espirito ako? Omo! No way!

Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang pagsinghap nito at ang marahas na pag kamot sa ulo. Pinanuod ko lamang siya sa kanyang ginagawa.

"Allie Preyar, I need you right now." bigla akong napakurap ng makaramdam ako ng kurot sa puso ko.


I need you right now... Parang napakapamilyar ng lintayang 'yan saakin.

At hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot at sakit at dahil doon sa mga salitang iyon bigla nalang lumandas ang luha sa mata ko.

Not minding him infront of me.

That GhostWhere stories live. Discover now