Kabanata 60

493 18 0
                                    

AVERY MASON

Namayani ang katahimikan ng marinig ko ang sinabi ni Lola Mercy. Para akong nanlambot sa mga narinig.

"N-naaksidente si Allie?" tanong ko rito habang naghihintay ng taxi dito sa waiting shed.

Napailing ako at dahan dahang umupo. Kararating ko lang kanina sa bahay ni Lola Mercy pero napansin kong naghahanda na itong umalis kaya ay sumunod ako.

Sinabi niyang naaksidente daw si Allie kahapon. Namatay daw ang nagda-drive ng kotse dahil sinubukan pa nito na ibangga sa poste pero natamaan parin si Allie. Si Allie naman ay hindi pa rin gumigising. Sinabi narin daw ng doctor na possible na magkakaroon siya ng temporary memory loss kung magising man ito pero hindi siya makakasigurado na magigising pa ito. Kabado akong aumayo na ng makita kong sumasakay na si Lola Mercy sa isang taxi'ng huminto sa tapat namin.

"Bumaba na ang kanyang blood pressure." iiling iling na sabi ng doctor dahilan para mapaluhod si Mrs. Preyar. Iyon ang naabutan ning eksena ng makarating kami.

"Doc! Ano bang pinagsasabi mo?Magigising pa ang anak ko!" umiyak ito habang nakaluhod na agad namang nilapitan ni Allieson. Lahat kami narito. Tyler, Venice, ako at si Lola Mercy kasama narin ang nanay ni Allie atsaka si Allieson.

"Doc please gawin niyo ang lahat. Mag babayad ako!" pagmamakaawa nito na pilit namang pinipigilan ng umiiyak na si Allieson.

Napansin ko sa gilid ko na umalis si Tyler habang si Venice naman ay tahimik lang nakatingin sa kawalan.

Bakit ba nangyari 'to? Nakikitang umiiyak ang nanay niya at nag mamakaawa ay may kumirot sa puso ko. Buong buhay ko ay hindi ko nakapiling ang nanay ko. Naalala ko na ang nakaraan ko. Pero ang araw ng pagkamatay ko ay wala akong maalala sa nangyari.

Tinignan ko sa babasahing bintana ang nakahigang si Allie na tanging makina nalang ang nagpapaandar sakanya ngayon.

Please Allie, lumaban ka I know you're strong enough to handle this. Diba sabi mo tutulungan mo pa akong matapos ang misyon ko?

That GhostWhere stories live. Discover now