Wakas

717 22 1
                                    

January 1,2016
3:00pm

"Tyler naman! Bigay mo sakin 'yan!" sigaw ni Allie sa buong rooftop ng school. Napangiti naman ako sa inasal nila at napailing.

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng maaksidente si Allie. Na-discharged narin siya sa hospital kahapon lang rin.

Nagkaroon siya ng temporary memory loss kaya inexplain pa ng kanyang nanay ang kanilang relasyon, ngunit natanggap naman ito ni Allie at naging maayos na sila. Nalaman narin ng tatay ko na may anak siya kay Mrs. Preyar tinanggap naman niya ito ng lubos kaya laking pasasalamat ko na maayos na sila. Tapos na ang kanilang problema.

Nagkaroon ng bagong pamilya si Dad. But wait, in the first place naman talaga ang nanay ni Allie ang una niyang minahal.

Habang si Tyler naman ay naexplain na niya ang relasyon niya kay Allie. Napailing nalang ako. Patay siya n'yan kapag bumalik na ang memorya ni Allie, nagulat pa nga si Venice ng malaman niya na may relasyon sila noon. Kita ko sa mukha niya ang inis sa kaibigan dahil hindi niya ito sinabi pero tinanggap naman niyo ito.

Si Lola Mercy? Ayun masayang nag-babakasyon kasama ang anak at mga apo niya kaya maaga na akong nagpaalam sakanya.

And me? Mahirap mang paniwalaan pero sa wakas at makakaakyat na'ko sa langit. Weird nga eh, maldita kasi ako buti sa langit ang bagsak ko. Wait parang mali ang term na bagsak? Anyways, makikita ko narin ang nanay ko. Iniimagine ko, Ano kayang ugali niya? Ano kayang itsura niya sa personal pinatanda ba na mukha ko?

Tumayo na'ko at pinagpag ang aking suot na puting bestida bago bumaba at tignan ang bawat estudyante na masayang naguusap-usap at para bang normal na ulit pero meron parin ang iulang esudyante ang hindi makapaniwala sa nangyari.

Kaninang umaga, nalaman ko na kung ano ba ang dahilan ng lahat ng misyon na'to kung bakit pa ba ako nandito at hindi parin makaakyat sa langit.

Cylina Kareen Albinos, my bestfriend. No, was my bestfriend siya ang dahilan kung bakit ako nagpakamatay- or should I say namatay.

It was a involuntary manslaughter. Aksidente niya akong napatay dahil sa pagtulak niya.

"Just kill yourself! Marami ng hindi naniniwala sayo!" malakas niya akong naitulak dahilan para masagi ang braso ko sa matulis na bakal sa gilid at ang patuloy na pagdalos ng dugo dito.

Napadaing ako sa sakit at sinabihan si Cyre na tumigil na ngunit hindi parin ito nagpaawat

"Lagi nalang ikaw ang bida! Lagi nalang ikaw ang pinapansin! Lagi nila akong pinagkukumpara sayo! Kaya mabuti ng magkanda leche-leche ang buhay mo. Mas okay ng ganyan ka habang ako ang umaangat!" sigaw nito at muli akong tinulak.

Ngunit iyak lang ang tanging nagagawa ko. Sa isip-isip ko, Bakit? Akala ko hindi siya katulad ng iba? Bakit siya pa na pinag-kakatiwalaan ko?

Hanggang sa isang malakas na tulak ang ginawa niya at doon napasigaw na kaming dalawa ng ma-out of balance ako at mahulog sa sirang railings ng rooftop.

And doon sa diary ko, nakaramdam ako ng kaba that time kaya nilagay ko ang initial ng kanyang pangalan niya which is 'CKA' at ang number na '29' is 'yun yung araw na sinuot niya ang jersey niya.

Kung itatanong niyo sakin kung anong nangyari sakanya, nakulong siya. At nakita ko kung paano siya nagalit at nagwala. Denying what have she done.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang malaking orasan na nakapaskil sa gitna ng eskwelahan. Weird mang pakinggan pero may pasok talaga sila ng January 1 napailing nalang ako.

3:20 napala. May 12 minutes nalang ako natitira bago ako umakyat sa langit.

Muli kong pinagmasdan ang eskwelaham at pati narin ang mga estudyante. Marami akong masasayang alaala na nabuo dito sa lugar na ito at the same time ang mga malulungkot at masasakit na alaala. I will surely miss this.

That GhostHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin