Sa Aking Gunita

17.2K 519 71
                                    


Isa, dalawa, tatlo;

Sabi mo ako'y mahal mo,

"Delilah walang halong biro."


Apat, lima, anim;

Dinaig ko pa ang tumalon sa balong malalim.

Kumbaga'y nakakapit sa patalim.


Pito, walo, siyam;

Tinakasan mo ang pangakong aking inaasam.

Karapatan ko na tawagin kang kasuklam-suklam.


Sampu, labing-isa, labing-dalawa,

Labing-tatlo, labing-apat, labing-lima...

Ano pa mang bilang ang gawin ko ika'y hinding-hindi na makakasama;

At wala na akong ibang hiling pa kundi sa gunita ko ika'y lumisan na sana.

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon