likha awit

1.5K 21 3
                                    

mapalad ako
dahil ako'y iyong pinagpala
oh mapalad ako
dahil ako'y iyong pinagpala

binigyang buhay
sa mundong
punong-puno ng magagandang bagay
binigyang pagkakataon
upang patunayan ang sarili
at patatagin mula sa bawat hamon

mapalad ako
dahil ako'y iyong mahal
oh mapalad ako
dahil ako'y iyong mahal

maraming salamat
aking mga dalangin
iyong dinidinig
oh mapalad ako, pinagpala ako

maraming salamat
sa lahat ng biyaya
gawa mo'y ako'y malaya
salamat, salamat

Itutula KoWhere stories live. Discover now