Nawalan Ako Ngunit Pasalamat Pa Rin At May Natira

885 10 0
                                    

nahulog ang sorbetes
paborito ko pa naman iyon
manga at buko pandan
wala naman akong nagawa
hindi ko naman maibabalik ang oras
para maiwasan ang pagkahulog nito
hindi ko naman nasalo nang maayos
sinubukan ko
pero narumihan lang ang mga kamay ko

naiwan ang apa
pagtyagyagaan ko kahit na gumastos na ko
sayang pa rin naman kasi
makakain pa rin 'to
may natira namang mala-syrup
pwede na hindi na kailangan pang magreklamo
ano pa nga ba kasi ang magagawa ko
huli na ang lahat
buti pa nga't may natira hindi ba
ayun ang lagi ko'ng paniniwala

Itutula KoWhere stories live. Discover now