Ito Ang Sumisira (Sa Atin #3)

519 10 0
                                    

kinakalimutang magpasalamat
ngunit kapag mambibintang
at maninisi'y napakabilis
kinakalimutang walang perpekto
sa mundo na kinagigisnan
at okay lang na hindi maging perpekto
kinakalimutang humingi ng patawad
nahihiyang pang humingi ng paumanhin
ngunit pag magkakamali'y ang kapal pa ng mukha
kinakalimutang tumulong
kahit pa alam naman na dapat at kaya
basta't hindi siya maabala
kinakalimutang lahat tayo
ay pantay-pantay
walang angat at wala ring dapat nasa ilalim.

sukdulan ang kasakiman
sukdulan ang kasamaan
sagad-sagaran ang pride
sagad-sagaran ang pagkimkim
sukdulan ang pagtatanim ng sama ng loob
sukdulan ang ayaw magpaawat sa pagtatalo
sagad-sagaran ang diskriminasyon
sagad-sagaran ang kumpetisyon
sukdulan ang panlalait
sukdulan ang panlalamang
ito ang mga sumisira sa atin
ito ang mga hindi nakakatulong sa atin
ito ang mga sumisira sa atin
ito ang mga lumalaganap sa atin
sakit at perwisyo, isang delubyo.

Itutula KoWhere stories live. Discover now