Hindi Na

3.2K 105 0
                                    




Hindi mo na mapapawi pa
Iniwang sakit at bigat na nadarama
Dahil sa mga salita mong binitawan
At paglayo na parang wala lang ang lahat.

Hindi mo na mababawi pa
Hinanakit ko sa'yo dulot ng kasinungalingan mo
Panggagamit mo at paghingi mo ng tawad
Labag pa sa loob mo.

Hindi na kita kukulitin pa,
Hindi na kita kakausapin pa,
Hindi na kita iiyakan pa.
Wala ng manggugulo sa'yo.

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon