Isang Sulat (Para Sa'yo #1)

361 5 0
                                    

Sa totoo lang....
Hindi ko alam kung tama pa ba na ipagpatuloy 'to kasi parang parehas tayong sobrang nasasaktan na. Hindi ko alam kung tama pa rin ba na patuloy kang mahalin kung nagiging tanga na. Hindi ko rin kung tama pa ba na bigyan ng pagkakataon ang tayo kung parang pinipilit na lang.

Pero alam mo.....
Hindi naman ako gaanong natatakot na mapag-isa, takot akong mawala ka. Hindi naman ako gaanong magtataka na, alam ko na kung wala ka, hinding-hindi na ko magiging tulad ng dati. Sa'yo na umikot yung mundo ko. Ikaw na yung pinakamalaking bahahi ng buhay ko.

Itutula KoWhere stories live. Discover now