Para Sa'yo ( 02 )

2K 33 2
                                    




namumukod tangi
ang mapupungay mong mata
nakita ko ngunit hindi dun nagtapos ang lahat
nabihag ako
nalunod ako
hindi ko alam kung paano
ngunit alam ko kung bakit

namumukod tangi
yung pagmamahal ko sa'yo
naiiba mula sa lahat
napansin mo
hinayaan mo
hindi ko alam kung paano
ngunit alam ko kung bakit

namumukod tangi
ang mga salitang binitawan mo
ang kirot na naramdaman
tumulo ang luha
sinisi ang sarili
alam ko kung paano nagtapos
ngunit hindi ko alam kung bakit

Itutula KoWhere stories live. Discover now