Ito Ang Sumisira (Sa Iyo #1)

730 15 3
                                    

gusto mo siya
at mahal mo yung isa
nagkakagusto ka na rin dun sa isa
habang may karelasyon ka pang iba

hindi makuntento sa isa
aminin mo na dati nang-agaw ka pa
ano ba ang meron at hindi ka makapagpasya
mahirap ba o sadyang makati ka

yung uwi mo inuumaga na
sabi ng nanay mo, "anak tama na"
hindi ka nagpatinag dahil hayok ka
sa alak at sa mga labing pagmamay-ari ng iba

hindi mo makuhang makita
yung epekto sa'yo at sa iba
akala mo nakakalimot ka at sasaya ka
gumising ka na tama na tunganga

bukas makalawa
sa sarili mo walang makasasalba
wag ka nang ngumawa
bago pa magising na sirang-sira ka na

Itutula KoWhere stories live. Discover now