Para Sa'yo ( 32 )

504 8 0
                                    

sa paglipas ng mga araw
akala ko'y kaya ko na
ang harapin ka't
ipakita sa'yo na masaya ako
para sa'yo
anuman ang mga nangyari
para sa inyo
anuman ang mga hindi nangyari

sa paglipas ng ilang linggo
hindi pa rin pala
ano ba ang prosesong ito
pagsubok ko ng isang hakbang
tila ba ako'y bumabalik lamang
sa'yo at sa ating dalawa
ngunit ang katotohanan
wala na ang tayo

Itutula KoWhere stories live. Discover now