Sapat

960 10 3
                                    

Isang tula na inilikha namin ni @wantingyuu

Ano nga ba ang sakto lang?
Ano nga ba ang tama lang?
Paano ba maging katanggap-tanggap?
Paano ba maging sapat kahit walang pagpapanggap?

Ang matangos na ilong
Payat na pangangatawan
Mahaba at tuwid na buhok
Sapat na ba ito?

Ano ba ang kulang sa iyo?
Paano naman kung sobra na?
Saan ba ako lulugar?
Kung mismo sa sarili ko hindi ko alam?

Ang pagkakaroon ng halaga
Pagbibigay halaga
Pagpapasaya at hindi pagpapariwara
Hindi ba ito sapat?

Itutula KoWhere stories live. Discover now