Para Sa'yo ( 10 )

1K 22 1
                                    

ano ba naman ang panama ko
sa isang laban
na sa simula pa lang ako'y talo na
mapanganib
pero ako'y sumugod pa rin
parang isang pusta
ako'y sumugal
ginawa ang lahat ng makakaya
pero hindi pa rin sapat
hindi pala talaga sapat
dahil ang paglaban
sa isang laban na una pa lang
ay talo na ako
hinding-hindi talaga magiging sapat
kahit ano pa ang gawin ko
mapanganib
delikado
pero sinubukan ko
sinubukan ko't nabigo ako

Itutula KoWhere stories live. Discover now