Para Sa'yo ( 07 )

1.2K 23 0
                                    

siguro nga'y ganuon ako kadaling bitawan
ngunit kung iyong mamarapatin,
ako lamang ay may tatlong katanungan
noong ikaw ay palalayain,
bakit ayaw mo'ng ika'y bitawan ko?
hindi pa ba sapat na mahal kita
at gusto mo pa'y
pagmukhain akong masama?
o sadyang gusto mo lamang
na ako'y malugmok sa pinaksubsob
at hindi na makaahon pa
mula sa pagmamahal sa'yo?

Itutula KoWhere stories live. Discover now