Para Sa'yo ( 33 )

448 8 1
                                    

ipinakita mo sa akin
ang isa sa pinakamagagandang bagay
mula sa buhay na puno ng pagsubok
at iyon ang makasalimuha
ang tulad mo'ng
tanggap ako sa kung sino at ano ako
ipinaramdam mo sa akin
gaano ka-espesyal
ang mga ordinaryong araw
at gaano kaliwanag
ang bawat pag-asa na dumarating
kasabay nang pagsikat ng bagong araw

salamat at pinili mo ako
para gabayan
para saktan
para tulungan
at para may matutuhan

Itutula KoWhere stories live. Discover now