Para Sa'yo ( 17 )

860 17 5
                                    


sige lang at lumayo ka
kung ako rin ang nasa iyong posisyon
lalayo't lalayo ako
tila ba ang ilang milya ay hindi sapat
kahit pa ang daan-daang kilometro

lumayo ka na
bago mo pa matuklasan
na may mga araw na hindi ko kayang
dalhin ang sarili ko
at ang gusto ko humilata na lang magdamag

lumayo ka na
habang hindi mo pa nakikita
anong anyo ko kapag wala ako sa mood;
maligo, magtrabaho...mabuhay
utang na loob layo na

lumayo ka na
bago ko pa ibigay ng buo ang sarili ko
kasi kung ako ang tatanungin
uubusin ko lahat ng pasensya sa'yo
ibubuhos ko lahat ng pagmamahal sa'yo

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon