Hanggang Kailan?

7.7K 281 26
                                    

Hanggang kailan ka titingin
Sa maling pares ng mga mata?
Hanggang kailan ka lalapit
Sa taong pinagtutulakan ka?
Hanggang kailan ka magtyatyaga
Sa taong binabaliwala ka?
Hanggang kailan ka magpapauto
Sa taong nililinlang ka?
Hanggang kailan ka magiging tanga
Sagad-sagarang nagpapakababa?
Hanggang kailan ka magtitiis
Sa larong habulan una pa lang talo ka na?

Hanggang kailan ako manonood
Sa paghabol mo sa kanya?
Hanggang kailan ako iiwas
At magpaparaya?
Hanggang kailan ako magtyatyaga
Sa pakikinig ng pagdurusa mo sa kanya?
Hanggang kailan ako manghihina
Sa tuwing pag-iyak mo dahil sa kanya?
Hanggang kailan ako magpapakatanga
Sa'yong wala naman akong pag-asa?
Hanggang kailan ko nanaisin na
Matitigan ang iyong mata at ako'y iyong makita?

Itutula KoWhere stories live. Discover now