Muntikan Na Malintikan

3.6K 100 1
                                    


Muntik ng hayaan kitang lunurin ako.

Sa mga salita mong kay'tamis,
Sa mga mata mong kaibig-ibig,
At sa pag-aaruga mong nakakapanlambot,
Ako'y napapalapit ng napapalapit sa iyo.

Sa bawat oras na pinapakinggqn mo ako,
Sa bawat oras na nakakasama kita,
At sa bawat oras na inuuna mo ako,
Ako'y nabibihag mo.

Hindi kalauna'y nalaman ko na:
Sinungaling ka pala, ginagamit mo ako,
Napipilitan ka lamang paglaanan ako ng oras,
Isa akong pasakit at hangal.

Muntik na akong magpakalunod
Sa pagmamahal na hindi naman pala presenta.
Muntik na akong magpakalunod
Sa atensyon na hindi naman pala totoo.

Muntik na, muntik na akong malintikan.

Itutula KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon