Para Sa'yo ( 18 )

772 15 0
                                    


sige na at lumayo ka pa
kung aabot ka sa sa kabilang parte ng mundo
imposible naman daw kasing
may dulo ang mundo
sige't gawin mo lumayo ka

lumayo ka na
bago mo pa makitang kaya kong sirain
ang sarili ko para lang
mabuo ka
utang na loob, layo pa

lumayo ka na
bago mo pa malamang kaya kong pagurin
ang sarili ko para lang
magawa ko lahat para sa'yo
utang na loob, layo pa

lumayo ka na
bago ka pa matakot
bago pa magkasawaan
bago pa ko magtiwala
bago pa magkasakitan

Itutula KoWhere stories live. Discover now