Para Sa'yo ( 26 )

840 12 1
                                    


napapatawa mo ako
pero baka akala ko lang iyon
baka pinipilit kong tawanan
kahit gaano pa ka-corny at kalamya
ang mga pakwela mo
kasi gusto ko na mapansin mo ako
at gusto ko na malaman mong suportado kita
kahit nagmumukha na akong ewan
at hindi ko na maintindihan

napapatawa mo ako
pero baka hindi ko napapansin
tinatapon ko yung sarili ko
para sa'yo
kahit gaano ka pa hindi karapat-dapat
pagkatiwalaan at mahalin
wala na akong maintindihan
bakit ba ako ganito sa'yo
at bakit ba ganyan ang epekto mo sa akin?

Itutula KoWhere stories live. Discover now