Para Sa'yo ( 30 )

596 10 0
                                    

marunong akong makuntento
ngunit paglisan mo
wala pang isang minuto
namimiss na ang yakap mo
at lambing na dulot nito

marunong akong makuntento
ngunit paglayo mo
hahakbang pa lang ng isa ang distansya mo
gusto ko nang tumakbo
para mapalapit sa'yo

marunong akong makuntento
maliban na lamang sa'yo
pakiusap alalahanin mo
sinabi mo na mahal mo ko
pakiusap panindigan mo

Itutula KoWhere stories live. Discover now