Salamat

3.3K 101 3
                                    




Salamat kasi ikaw yung nandyan
Sa mga panahon ako'y nangangailangan.

Salamat kasi ikaw yung nakikinig sa lahat,
Sa mga kwentong sa haba ay pwedeng gawing aklat.

Salamat kasi ikaw yung nasasandalan ko
Sa tuwing nanghihina ako.

Salamat kasi ikaw yung nakakakilala sa akin
Sa lubos ay walang halong panghuhusga sa akin.

Salamat kasi sa tuwing kailangan ko ang oras mo
Sa ano mang araw ay hindi ka nagkakailang ibigay ito.

Salamat kasi mahalaga ako sa'yo.
Sa lahat ng mga payo na binigay mo,
Sa lahat ng panyong ipinahiram mo,
Sa lahat ng yakap na binigay mo,
Sa lahat ng pang-unawang ginawa mo.

Salamat...
Sa pagmamahal mo.

Itutula KoWhere stories live. Discover now