Ito Ang Sumisira (Sa Iyo #3)

521 7 1
                                    

nagbibigay halaga sa iba
pero sa sarili
hindi mahanap ang kabuluhan
nagpapanggap na alam
ang ginagawa
kahit pa gulong-gulo na
nahihiyang magtanong
paano ba, paano na
kung mamaya ay huling sandali na

humuhusga
sino ka ba
may karapatan ba
pumapatay
sino ka ba
may basehan daw
kumukurakot
nagnanakaw
imposible raw
nagsisinungaling
ngunit humihingi ng respeto
tama ba
umaagaw
umaangkin
bakit ba

akala ay sa'yo ang mundo
ang isip ay walang mapagtanto
akala ay ang atensyon dapat nasa'yo
ang sarili ay napakadamot
akala ay sa'yo ang mundo
sa isip ay totoo ito
akala ang atensyon dapat nasa'yo
sa sarili ay napakadelikado
sinisira ang sarili

Itutula KoWhere stories live. Discover now