Sa Pagsapit

869 11 0
                                    


Lumalalim na ang gabi
Nagbabagyang pagpatak ng ulan
Sasabay ang pagpatak ng luha
Isang patak
Pumapangalawang patak
Sa magkabilang mata
Hindi maikukubli
Ang sakit na nadarama

Lumalalim pa ang gabi
At patuloy ang patak ng ulan
Patuloy pa rin ang paghikbi
Isang hikbi
Magtatakip ng unan dahil walang panyo
Sa lalim ng gabi
Ganon din ang lalim ng nasa isip
Papawiin ang hapdi

Lumalalim pa ang gabi
Hindi namamalayang
Malapit na ang umaga
Wala nanamang pahinga
Hindi pa rin naghihilom ang sugat
Wala pa ring pahinga
Ang mga matang lumuha
Hanggang sa pagsapit ng umaga

Itutula KoWhere stories live. Discover now