Hanggang Dito Na Lang

1.6K 32 2
                                    


tanda mo ba?
noong nagbibsikleta, nahulog ka
sobra yung pag-aalala ko
alam ko na napansin mo

tanda mo ba?
noong nagbibinata ka,
sobra yung pagkahanga ko
alam ko na natuwa ka

tanda mo ba?
noong nagdadala ako,
nagsimula akong magpaganda
alam ko na napansin mo

tanda mo ba?
noong sinabi mong may gusto ka,
alam ko na hindi ako yun
lumayo ako at natuwa ka

tanda mo ba?
noong nagsimula ang lahat
na magkaibigan tayo
at tanging yun lang ang meron
isang pagkakaibigan
dahil yun lang ang tingin mo sa akin
kahit pa handa akong alagaan ka
at kahit pa pinagtapat ko nung unang pagkasawi mo
na mahal kita
kahit pa ako ang laging kanlungan
at sandalan mo
tanging kaibigan lang ako sa'yo
ako tanda ko lahat
pati yung sakit
at panghihinayang ko
na sa'yo ako nahulog
nasira ko yata ang magandang samahan
kung maibabalik ko lang ang kahapon
pipigilan ko
mas pipigilan ko na huwag mahulog sa'yo
ganon pa man,
andito lang ako para sa'yo
aking
matalik
na
kaibigan

Itutula KoWhere stories live. Discover now