Tanging Hiling

706 8 0
                                    

tanging hiling
hindi na matulog pa ng may luha sa mga mata
bagkus ay payapa, tahimik, at kung sweswertehin
may yayakap at magpapakalma
tanging hiling
hindi na sisimangot sa umaga
baka pwede namang may ngiti sa mga labi
totoong ngiti na aabot sa kislap ng mata
may saya, may pagmamahal, may gana
tanging hiling
hindi na puro pagsuko baka sakaling may tsansa
mas maayos, mas maganda
may taong nakaka-intindi
may taong nagbibigay suporta
tanging hiling
hindi na puro pagkukumpara at negatibo
lumalabas sa bibig ng iba, naririnig ng mga taenga
bagkus ay may pasasalamat at pagiging sapat

Itutula KoWhere stories live. Discover now