Para Sa'yo ( 05 )

1.4K 26 1
                                    




wala na yatang mas hihigit pa
sa kung anong mayroon tayo
ngunit sa pagbangon mo
isinama mo ang lahat ng mayroon
ang bawat usapan bago matulog
ang bawat tamis ng halik
ang bawat ala-ala
isinama at ibinitbit mo
noong umalis ka

walang pahintulot
walang eksplanasyon
basta nagising ka na lang
at nagpasyang bumangon
baon-baon ang nakaraan
at mga nangyari kahapon
walang alinlangan
nagpasya ka
at hindi na ako kasama sa plano

Itutula KoWhere stories live. Discover now