Sige Na

11.5K 299 29
                                    




Sige, humakbang ka ng isa o dalawa paatras,
Pero huwag kang lalayo.
Huwag kang lumayo,
Huwag kang lalayo.

Sige, hindi muna kita aabalahin.
Ngunit huwag kang umalis.
Huwag kang aalis,
Huwag kang umalis.

Sige, sumama ka sa mga kaibigan mo kung saan-saan.
Pero huwag kang magloloko.
Huwag kang loloko-loko,
Huwag kang magloloko.

Sige, gawin mo na ang gusto mo.
Ngunit pakiusap hayaan mo ako.
Hayaan mo na ako,
Hayaan mo na at palayain na rin ako.

Itutula KoWhere stories live. Discover now